Mas mabuting sumuko na lamang si Bantag

NALUSUTAN ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Q. Bantag ang National Bureau of Investigation nang salakayin ang pinagtataguan nitong gusali sa Mines View Park sa Baguio City kahapon. Patuloy siyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Hindi habambuhay na matatakbuhan ni Bantag ang batas dahil sa pagkakaugnay niya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Hindi lahat ng tao o maging salapi ay maari niyang maging kasangkapan para matakbuhan ang hustisya.

Kung wala talagang kasalanan si Bantag, pinakama­inam na sumuko na lamang siya. Harapin niya ang mga pa­ratang at patunayang hindi siya sangkot sa pagkamatay ni Lapid at iba pang personalidad.

May mga taong tumutulong at kumukupkop kay Bantag para matakasan ang hustisya. Mas mabuti pa na isuko na ng mga taong ito ang dating BuCor chief at huwag silang mag­pakasangkapan.

Ang mga tumutulong kay Bantag ay mananagot din sa batas. Maliwanag na itinatago nila ang katotohanan at hus­tisya. Dapat malaman ang katotohanan at iyan ay maka­kamtan kung susuko si Bantag.

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

Show comments