BFAR chief sinibak Ni President Marcos

MANILA, Philippines — Wala nang sasantuhing tiwaling opisyal si Presidente Marcos. Determinado siyang linisin sa mga dorobo ang kanyang administrasyon.

Sinampolan niya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Demosthenes Escoto. Si Escoto na dawit sa maanomalyang awarding ng Php 2 bilyong kontrata para sa Vessel Monitoring System  project noon pang 2018.

Napatunayan ng Tanggapan ng Ombudsman sa pangunguna ni Samuel Martires na nagkasala ng grave misconduct si Escoto. Sibak pa more Mr. President! Marami pang “anay” sa mga opisyal ng pamahalaan na sumisira sa imahe ng administrasyon.

Habang chairman ng bids and awards Committee ng BFAR si Escoto, nangyari ang anomalya na dahilan ng kanyang pagkakasibak. Kuwestyonable ang pag-aaward niya ng kontrata sa SRT Marine Systems Solution Ltd. ng United Kingdom.

Hindi umano kuwalipikado sa bidding ang kompanya ngunit pinalusot ni Escoto. Bukod diyan, ipinilit daw ni Escoto ang pagbili ng  5 libong units ng VMS transceivers  gayung ang kailangan lamang ay 3,736 units.

Ito palang si Escoto ay bata-bata ni dating Presidente Duterte at siyang may pakana sa pekeng kakulangan sa galunggong kamakailan. Grabe, may mga remnants pa pala ng nakaraang Duterte administration sa rehimen ni Marcos. Dapat agapan iyan lalu pa’t puspusan ang pagsisikap na gibain ang Marcos administration.

Show comments