^

PSN Opinyon

‘Turtle ships’ ang gamitin pang-resupply sa Ayungin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Gumawa sana ang mga enhinyero natin ng “turtle ships”. Mainam itong pansangga sa pambubundol, pangle-laser­gun at pagka-kanyon ng tubig ng China coastguards sa ating mga bangka.

Mapu-protektahan ng turtle ships ang resupply missions sa Marines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Pamprotekta rin ito sa pamamahagi ng fisheries bureau ng pag­kain at krudo sa mangingisda sa Panatag Shoal. At pam­protekta sa marine scientists na sumusuri sa pagwasak ng China sa mga bahura sa West Philippine Sea.

Pag-aralan ng shipbuilders ang disenyo ng Korea sa turtle ships. Napigilan ng turtle ships ang paglupig ng Japan sa Korea nu’ng digmaang 1592-1598. Turtle ships lang ang panlaban ng Korea nu’ng panahong ‘yon. Mahina ang kanilang army kumpara sa Japan.

Parang higanteng pawikan ang turtle ships. Ang haba ay 30-37 metro. May bilog na talukab, korteng simboryo. Gawa sa kahoy ang barko. Magaan, madaling i-maniobra ng piloto.

May maikling leeg at mataas na ulo ng dragon. Sa unang disenyo, may kanyon sa bunganga ng dragon. Panakot ito sa mapamahiing kalaban na naniniwalang totoong may dragon na bumubuga ng apoy. Bumubuga rin ng lason na usok ang ulo, depende sa hihip ng hangin.

May mga tulos na asero sa bubong – pangontra sa pag­sampa ng mga kalaban. Palibot sa tagiliran ng simborio ay balwarte­. Nakalitaw ang kanyon sa maliliit na butas. Maaring­ kumanyon, taas at baba, sa anumang direksyon.

Maaring lagyan ng kanyon, machineguns, laser guns, at watercannons ang balwarte ng turtle ships. Makukubli ng simboryo ang mga sakay na crew at supplies. Armasan din ng aerial at water drones. Lahat ‘yan maipagmamalaking gawa ng Pilipino.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with