^

PSN Opinyon

Mga payo sa pagod at stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KUNG palagi kang nakadarama ng pagod, subukan ang mga sumusunod na payo:

1. Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi—pito hanggang walong oras na tulog na hindi naiistorbo.

2. Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw.

3. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado ng marami ang trabaho o pagod na.

4. I-organize ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante gawin. Okay lang na hindi tapusin lahat.

5. Alamin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Bawasan o iwasan ito.

6. Subukan mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.

7. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

8. Balansehin ang iyong kakainin. Isama dito ang pagkain ng maraming prutas, gulay, at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal at huwag magpalipas ng gutom.

9. Kung sobra sa timbang, mag-diyeta ng dahan-dahan. Ngunit iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka lalo ka manghina.

10. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kinakailangan mo uminom ng mas maraming tubig.

11. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.

12. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

13. Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak at kape. Ang mga ito ay naka-aapekto sa maayos na pagtulog.

14.Kung ang pagod ay patuloy pa rin kahit may sapat na pahinga at ito ay nagtagal ng 2 linggo o higit pa, maa­aring may ibang sakit na kailangang gamutin. Kumunsulta sa doktor.

* * *

Stress

Kung ang inyong buhay ay nagiging masyadong komplikado gumawa ng mga paraan para ito ay gawing simple. Inirerekomenda ng mga eksperto ang ilang mga paraan para mabawasan at makontrol ang stress.

1. Ihiwalay ang malaking gawain sa mas maliit na gawain. Kung ang inyong mga gawain ay masyadong marami hatiin ito sa maliliit na gawain at gawin ito ng paisa-isa. Panatilihin na nakatuon ang isip sa mga gawain na ginagawa sa halip na isipin ang mga susunod pang mga gawain.

2. Matutong tumanggi, kung nakararamdam ng sobrang tuwa sa inyong personal at propesyonal na responsibilidad, subukan na umurong at pag-isipang mabuti kung ano ang aalisin.

3. Magkaroon nang maikling pahinga habang nagtatrabaho. Tumayo sa iyong lamesa at mag-unat, o gamitin ang iyong lunch break para maglakad sa park.

4. Palitan ang inyong araw-araw na pressure ng physical na gawain. Ang healthy lifestyle ay ang iyong mabuting depensa panlaban sa stress. Sundin ang balanced diet, limitahan ang pag-inom ng kape at alak at kumuha ng sapat na tulog.

5. Ibahagi ang iyong nararamdaman. Kumausap sa inyong matalik na kaibigan o miyembro ng pamilya, ang mga malulungkot na tao ay mas nakararanas ng stress at hindi malusog na pangangatawan.

6. Subukan ang meditation. Ang meditation ay nagpapataas ng immune function, nakabababa ng pangamba, at tumutulong na mas maka-isip na mga kapaki-pakinabang na bagay.

7. Sa bawat araw gawing sentro ang iyong sarili, Sa halip na bumangon agad sa kama, isipin ang mga bagay na mayroon ka o mga dapat na ipagpasalamat, o kaya naman ay magbasa ng maaaring makapagpa inspire sa iyo na kung ano ang kabuluhan ng buhay.

8.Pagkakaroon ng payapang isip ang dapat unahin. Kung nawala ito sa iyo, gumawa ng paraan na maibalik ito.

9.Tawagan ang ilang kaibigan o kaya naman, maglakad ng 30 minuto para mawala ang stress.

(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with