1. UTI – Ang urinary tract infection (UTI) ay ang pagdami ng bacteria sa kidneys o pantog. Ang sintomas ay masakit at madalas na pag-ihi, malabo at maamoy na ihi. Kung malala ang UTI puwedeng magkalagnat at sumakit ang likod.
Magpa-urinalysis. Ang gamot sa UTI ay antibiotics.
2. Cystitis – Impeksyon sa pantog tulad ng UTI. Ang sintomas ay masakit sa puson o sa may puwerta. Masakit at madalas ang pag-ihi pero kunti-konti lang ang labas ng ihi.
3. Kidney Stones o bato sa bato – Ang kidney stones ay kadalasan gawa sa calcium o uric acid. Sobrang sakit sa may singit. Parang madudumi sa sakit pero hindi naman dudumi. Mahapdi din sa pag-ihi. Minsan, kulay pink ang ihi dahil may dugo na sa ihi. Kumunsulta sa urologist. Uminom ng 10-12 basong tubig bawat araw.
4. Yeast infection sa puwerta o vaginitis – May discharge sa puwerta na maamoy. Makati ang puwerta at may iritasyon sa balat. Puwede rin sumakit sa pag-ihi.
Ang gamutan ay vaginal suppository na reseta ng OB-Gyne.
5. Posibleng dahilan sa pagbibisikleta, na-trauma o kaya’y bagong panganak.
6. Impeksiyon sa prostate o prostatitis sa lalaki – Ang STD ay isang dahilan ng prostatitis. Ang impeksyon ay galing sa bacteria. Ang sintomas ay masakit at hirap umihi, makirot sa pantog at ari, at madalas na pag-ihi lalo na sa gabi. Puwede ring mahirapan mag-ejaculate o labasan ang lalaki. Ang gamutan ay antibiotics na reseta ng Urologist.
7. Ovarian cyst – Ang sintoma ay sobrang sakit ng puson lalo na pag may regla. May abnormal na pagdurugo rin. Kumunsulta sa OB-Gyne.
8. Kung may allergy sa sabon, wipes, lotion at pang-hugas – Masakit sa balat sa may puwerta na may kasamang pamumula. Makati, may iritasyon sa maselang bahagi. Gumamit ng mild soap lamang.
9. Kanser sa pantog – Ang sintomas ay pamamayat, masakit ang likod at buto, manas at madalas at hirap umihi. Minsan may dugo sa ihi.
10. Ang mga sanggol ay umiiyak din kapag mahapdi ang kanilang pag-ihi.
(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)