^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trapik dahil sa hindi natapos na kalsada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Trapik dahil sa hindi natapos na kalsada

Hanggang kahapon, mabigat pa rin ang trapik sa EDSA dahil sa mga hindi natapos na kalsada. Usad pagong ang mga sasakyan dahil may mga nakaharang pang orange traffic cone sa mga portion ng EDSA mula Balintawak, Quezon City hanggang Boni Avenue sa Mandaluyong City. Hindi pa inaalis ang mga traffic cone dahil hindi pa raw naku-cure ang ibinuhos na semento. Kapansin-pansin naman na hindi maganda ang pagkakasemento sapagkat may bukol-bukol. Kapag dinaanan ng sasakyan, matagtag ito. Marami ring nakakalat na buhangin sa paligid ng hinu­kay na kalsada na maaaring magdulot ng aksidente dahil madudulas ang sasakyan.

Hindi nasunod ang ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga contractor na nagbakbak ng kalsada na dapat ay mata­tapos ang mga ito noong Abril 1 makaraan ang apat na araw na bakasyon kaugnay ng Semana Santa. Hindi tumupad ang mga contractor sa kautusan kaya noong Lunes nagsibalikan ang mga nagtungo sa pro­binsiya, nabulaga sila sa sobrang trapik sa EDSA. Usad pagong kaya inabot ng ilang oras bago naka­lusot sa impiyernong trapik.

Hindi lamang sa EDSA nagkaroon nang grabeng trapik kundi pati na rin sa Mindanao Avenue na binakbak din ang kalsada noong Semana Santa pero hindi agad nabuksan o nadaanan dahil hindi raw naku-cure.

Dalawang contractor na kinuha ng telecommunication company para mag-install ng fiber optic cable ang inaasahang ipapatawag ni MMDA Chairman Don Artes para pagpaliwanagin. Ganunman, humingi ng paumanhin si Artes sa mamamayan na sinalubong ng matinding traffic noong Lunes hanggang Miyerkules. Hindi raw niya inaasahan na hindi matatapos ng mga contractor ang kanilang road works.

Kapag napatunayan na nagkaroon ng kapabayaan ang dalawang contractor, pagmumultahin sila ng MMDA ng P3 milyon at maaring ma-blacklist.

Ayon sa report, sa 40 paghuhukay na ginawa ng mga contractor, 16 lang ang natapos noong Lunes ng umaga. Lumikha ito nang matinding traffic hindi lamang sa EDSA kundi pati sa C-5 at Mabuhay lane.

Mas maganda kung hindi na hahayaang gumawa pa ang dalawang contractor para hindi na maulit ang impiyernong trapik noong Lunes. Bukod sa pagmultahin, alisin na ang kanilang pangalan. Marami pa namang contractors na responsable at maaasahan. Huwag nang makipagsapalaran sa mga contractor na palpak na nagpalubha sa trapik at sa EDSA pa.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with