^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mas kawawa ang mga estudyante kapag tag-init

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Mas kawawa ang mga estudyante kapag tag-init

MAKATWIRANG ibalik na ang dating school calendar na Hunyo-Abril na pasok ng mga estudyante. Ngayong grabe ang nararanasang init, ang mga estud­yante ang kawawa sapagkat mistula silang nasa oven. Maaring magkasakit sila sa tindi ng init. Hindi naman mabigyan ng sapat na electric fan ang bawat classroom sa mga pampublikong eskuwelahan. At kung mayroon man, mainit ang binubuga ng electric fan. Sa halip na maging maginhawa ang mga estudyante, lalong sumasama ang kanilang katawan dahil sa mainit na binubuga ng electric fan. Sabi ng ilang estudyante, mas mabuti pang magpaypay.

Kahapon, matindi na naman ang init sa maraming lugar sa bansa. May mga probinsiya na nagdeklara ng suspension ng klase dahil hindi na kakayanin ang sobrang init. May nagdeklara na walang pasok mula Abril 1-4 para makaiwas ang mga estudyante sa sob­rang init.

Kabilang sa mga probinsiya na nagdeklarang walang pasok ang Bacolod City at Isabela sa Negros Occidental, Roxas, Capiz. Iloilo City at South Cotabato. May mga nagdeklara rin na walang pasok sa Pangasinan at maging sa Occidental Mindoro.

Sabi ng Department of Education (DepEd) hinaha­yaan na nilang magdesisyon ang mga pinuno ng bayan kung magsususpende ng klase dahil sa sobrang init. Alinsunod sa memorandum ng DepEd, maaaring mag­kansela ng face-to-face class ang mga pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa matinding init.

Kahapon, maraming magulang ang binabantayan ang kanilang mga anak sa isang public school sa Quezon City dahil sa sobrang init. Inaalagaan nilang lagyan ng bimpo o panyo ang likod ng mga bata para hindi pawisan. Nag-aalala ang mga magulang na mag­kasakit ang kanilang mga anak.

Ayon sa PAGASA, apat na lugar sa bansa ang ma­kakaranas ng “danger” level na heat index kung saan papalo ang init mula 42 hanggang 51 degrees Celsius. Mararanasan umano ang mainit na panahon hanggang Mayo.

Nararapat nang ibalik ang dating school calendar para makaiwas sa sobrang init ang mga estudyante. Kawawa naman sila kung magkakasakit. Hindi na dapat hintayin pang may maospital na mga bata dahil sa sobrang init ng panahon. Simulan na sa susunod na school year ang pagbabalik sa dating school calendar. Hindi na ito dapat patagalin pa.

SCHOOL

STUDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with