Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa lahat! Nagpapasalamat kami nina Cong Luis at Martina sa pagkakataong makapagnilay at maglaan ng oras para sa ating Panginoon. Nagagalak akong makita na buhay na buhay ang tradisyon ng Pabasa sa Makati. Sana ay huwag mawala ang ganitong debosyon sa kabila nang pag-usad natin patungo sa digitalization at modernisasyon.
***
Bago nag-break para sa Semana Santa ay napakaraming ganap sa Makati City Hall. Isa sa mga gusto kong i-share ay ang pagkapanalo ng ating lungsod ng Water Wise Sustainability Award mula sa National Water Resources Board (NWRB) kasabay ng selebrasyon ng World Water Day. Mahalaga ang award na ito na ibinibigay sa government institutions at sa pribadong sektor dahil patunay ito sa patuloy nating pangangalaga sa ating waterways.
Dumalaw din sa Makati City Hall ang principal at co-founder ng Shook Kelley na si Mr. Kevin Ervin Kelley, AIA, at Ayala Land executives para pag-usapan ang bagong strategies para sa pagdedebelop ng urban green space innovations. Ang Shook Kelley ay isang strategy at design firm na naka-base sa Los Angeles at interesado silang makipagtulungan sa Makati para gumawa ng mas marami pang integrated parks at public social spaces kasama ng iba pang urban planning solutions. Kasama sa meeting na ito sina Ayala Land executives VP and Senior Project Development Head Ms. Ma. Carmela Ignacio, Planning Innovation Design Head Ms. Mia Quimpo, at Project Development Managers Ms. Tin Frialde at Ms. Misha Quimpo.
***
Natapos na nga ang masaya at exciting na Alyssa Valdez Youth Volleyball Camp. Ang unang volleyball bootcamp sa Makati ay dinaluhan ng mahigit 80 kabataan. Ginanap ang awarding ceremonies sa San Antonio Community Complex at may 11 outstanding awards, three Rebisco awards, 3 Gatorade awards na aming ibinigay kasama na rin ang awards para sa winning teams. Andaming natutunan ng mga batang atleta natin kay Ate Alyssa nila, at nasisiguro kong hindi ito ang huling pagsasanay nila sa ilalim ng isang batikang coach.
Nagpapasalamat ulit ako kay Alyssa para sa kanyang magandang kalooban at puso para sa mga batang Makatizen. Sa kabila ng kanyang hectic schedule ay nagbigay siya ng tatlong araw para i coach at train ang mga batang ito para lalo silang gumaling sa paglalaro ng volleyball. Samantala, bukas pa rin ang registration para sa Makatizen STARS! Mayroong 10 sports disciplines na maaaring salihan ang mga batang Makatizen na mula 7 hanggang 17 years old. Kasama dito ang volleyball, football, futsal at arnis. Para sumali, magregister lamang sa link na ito: https://bit.ly/2024MktznSTARS_Registration. Matapos mag-register, dalhin lamang ang requirements sa venue ng sports event na sasalihan. Dati ay tuwing summer lamang ang mga sports clinic na ito, pero ginawa na naming year-round para sa mas balanseng development at disiplina ng ating mga kabataan. Sali na!