‘Boy Chopper’

ANG bansag sa kanya’y Boy Chopper o kaya’y Boy S.O.P. Kanang-kamay siya ng isang Senate official. Siya ang taga-asikaso at taga-monitor sa mga proyektong isinusulong ng tanggapan ni Senate official.

Napakalaki raw ng mga proyekto na kanyang mino-monitor kaya lingguhan niyang pinupuntahan gamit ang helicopter.

Karamihan ay sa Visayas ang mga proyekto ng Senate official.

Matindi siya kung humingi ng SOP. Pero nakapagdududa kung napupunta sa kanyang among Senate official ang kinukubra niya mula sa mga contractor na kanyang iniikutan.

 Kilala ang kanyang among Senate official na madaling magalit kapag nababahiran ng katiwalian ang kanyang tauhan. Pinalalayas nito ang tiwaling tauhan na nasasangkot sa katiwalian.

 Hindi alam ng Senate official ang ginagawang katiwalian ng kanyang kanang kamay.

Madali lang naman na mapatalsik ni Senate official ang kanang kamay dahil hindi ito naka-plantilla sa opisina niya. I-deny lang niya ito tuwing may kinasasangkutang katiwalian,  lusot na ang imahe niya.

 Pero mahirap i-deny ang kanang-kamay dahil lagi itong nakasakay sa chopper.

 * * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

Show comments