May bagong pakulo si Central Luzon director Brig. Gen. Jose “Daboy” Hidalgo para sipaging magtrabaho ang kanyang mga tauhan. Inilunsad ni Hidalgo ang kanyang proyekto para itaas ang trabaho at dedikasyon ng mga pulis sa Central Luzon para gampanan ang kanilang tungkulin. Tinawag ni Hidalgo ang kanyang programa na “Station IDOL of the Month” kung saan ang mga napiling pulis ay gagawaran ng plake at cash tuwing flag raising ceremony kada Lunes. Ang ibig sabihin ng IDOL ay “Ideal Deeds of a Law Enforcer.” Get’s n’yo mga kosa?
“We must acknowledge the tireless efforts and unwavering commitment of our personnel who tirelessly work to maintain law and order within our communities. The ‘Station IDOL of the Month’ program serves as a platform to express our gratitude and appreciation for their invaluable service,” ani Hidalgo. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang IDOL ay inilunsad ni Hidalgo sa kasagsagan ng negatibong report tungol sa kapulisan, lalo na ang raid sa Solemare Parksuites Condo sa Parañaque City kung saan 10 pulis ang nadismis ay may iba pang naparusahan. Dito sa IDOL, nais ni Hidalgo na iwaksi ng kanyang mga tauhan sa kanilang isipan ang paggawa ng ‘di kanais-nais na bagay, imbes ay magtrabaho para mapremyuhan. Eh di wow!
Sa mga naligaw ng landas naman niyang tauhan, nagbanta si Hidalgo na hindi niya kukunsintihin ang mga ito at parurusahan sila ayon sa batas. “Ang disenyo ng IDOL ay upang itaas ang morale at welfare ng kapulisan at bigyang kahalagahan ang kanilang outstanding contributions in upholding the rule of law and ensuring public safety,” ayon pa kay Hidalgo. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Bumuo si Hidalgo ng Station Selection Committee sa lahat ng munisipalidad at siyudad para tutukan at kilalanin ang good deeds ng kapulisan. Malaki ang paniniwala ni Hidalgo na kokonti lang ang mga tiwaling pulis at marami pa ang dedikado sa trabaho na dapat ding premyuhan.
“Despite the challenges they face daily, our personnel remain steadfast in their commitment to ensuring the safety and security of our communities. We have to ensure that their dedication does not go unnoticed,” ayon pa kay Hidalgo. Tumpak! Hehehe!
Sa IDOL, ani Hidalgo, muling pinagtibay ang culture of appreciation at recognition sa mga brave men and women, na “selflessly serve their duties, embodying the highest ideals of law enforcement. Dipugaaaaa! Kay sarap sa Central Luzon no mga kosa? Gagampanan mo lang ang trabaho mo ay may cash incentive ka na, may Letter of Commendation pa, na malaki ang maitutulong kapag nag-apply ka sa promotion. Eh di wow! Hehehe!
Dapat lang sigurong gayahin ng iba pang PNP Regional Offices ang proyekto ni Hidalgo dahil tiyak may patutunguhan itong maganda. Abangan!