^

PSN Opinyon

'Paglaum kag Pagdaug': Pag-asa at tagumpay para sa Edukasyon sa Pinas

Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
'Paglaum kag Pagdaug': Pag-asa at tagumpay para sa Edukasyon sa Pinas
Pasig Cong. Roman Romulo at Sen. Sherwin Gatchalian sa pagpupulong ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).
Facebook/EDCOM II

Pag-aaral ng EDCOM II

Sa paglabas ng report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), nagkaroon tayo ng mas malinaw na ideya kung ano ang mga hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon.

Ang EDCOM II, ayon sa website nito, ay nagnanais na gumawa ng "komprehensibong pag-aaral ng estado ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas para makapagrekomenda ng transformative, konkreto, at wastong reporma ayon sa layuning gawing globally competitive ang bansa sa merkado ng education at trabaho."

Iba't ibang mga isyu ang inilarawan ng report: mula sa stunting na dinaranas ng mga batang mag-aaral (dahil sa malnutrisyon), hanggang sa mataas na insidente ng mga guro na natatambakan ng trabaho.  Nasa pag-aaral ang mga detalye nito (www.edcom2.gov.ph/#report).

Gayunpaman, may mga positibong aspeto rin tayong makikita sa report. Isa na rito ang ating Gross Enrollment Ratio (GER) in Tertiary Education, na ayon sa pag-aaral, ay mas mataas kung ikukumpara sa mga kasama natin sa kategorya ng lower-middle-income na mga bansang kalapit natin.

Ibig sabihin nito, nananatiling accessible ang higher education sa bawat sector sa ating bansa, na makikita sa bilang ng mga estudyanteng nagpapatuloy sa tertiary education ano man ang kanilang economic background.

Mula rito, makikita natin na halos pantay lamang ang bilang ng pumapasok na mga estudyante sa mga pampubliko o pribadong paaralan sa lebel ng higher education.

Commission on Higher Education Chairman Prospero “Popoy” de Vera (center, top row) kasama ang mga presidente ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa – ang mga unang pumirma sa proyekto ng CHED na “Paglaum kag Pagdaug: Access and Success for Quality and Inclusive Higher Education."
Facebook/Popoy de Vera

At dahil tinatanggap ng State Universities and Colleges (SUCs) ang kalahati ng bilang ng mga estudyante sa buong bansa, nararapat lamang na manatiling accessible at de kalidad ang pagtuturo sa mga paaralang ito. Nakatutuwang malamang ang pinakabagong inisyatibo ng Commission on Higher Education (CHED) ay nakatutok dito. 

Proyekto para sa 'pag-asa at tagumpay' mula sa CHED

Nitong Pebrero, inlinunsad ng CHED ang "Paglaum kag Pagdaug: Access and Success for Quality and Inclusive Higher Education." Ito ay isang inisyatibong naglalayong magkaroon ng sapat na oportunidad na makapasok ang mas marami pang mag-aaral sa kolehiyo, ano man ang kanilang sitwasyon o estado ng buhay.

Mula sa salitang Hiligaynon na nangangahulugang "Pag-asa at Tagumpay," ang proyektong ito ay nakatutok sa pag-angat ng accessibility ng mga SUC sa pamamagitan ng mga support services at interventions.

Magsisimula ang Paglaum kag Pagdaug bilang isang research project, ang "Empowering Equity Target Students: Enhancing Access in State Universities and Colleges across Region I, VIII, and XII" na may partisipasyon ng 20 na higher education institutions.

At sa araw ng paglulunsad ng bagong inisyatibo, kasabay din ang pagtanggap ng Gawad Oblation award mula sa University of the Philippines (UP) ni CHED Chairman Prospero "Popoy" De Vera, para sa kanyag mga kontribusyon para sa sektor ng edukasyon ng bansa.

(Kaliwa) UP president Angelo Jimenez nang iginawad ang Gawad Oblation Award kay Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera ); (Kanan) Chairman Popoy kasama ang kanyang mga kapamilya’t kaibigan
Facebook/Popoy de Vera

Pagbibigay-pugay sa mga natatanging Pilipinong mag-aaral

Ang Gawad Oblation ng UP ay isang pagkilala na binibigay sa mga natatanging alumni ng unibersidad sa iba’t ibang sector dahil sa kanilang “natatanging paglilingkod para sa o sa ngalan ng UP.”

Ayon kay UP President Angelo Jimenez, ang nagawa ni Chairman Popoy “ay higit pa sa pagtataas ng antas ng pagkilala sa UP, dahil patuloy rin ang kanyang pagtulong na maitaas ang dami ng mga nag-e-enroll na estudyante sa kolehiyo, at itinataas ang pamantayan at pinagtitibay ang pag-uugnayan ng mga higher education institutions sa bansa bilang chairman ng Commission on Higher Education.”

Bilang isa sa mga pinalad na makatrabaho si Chairman Popoy, nais kong iparating ang aking mainit na pagbati para sa pagkilalang kanyang natanggap. Ilang taon na ang nakakalipas nang maging co-anchors kami sa top-rating Turo-Turo teleradyo program ng DZMM.  Isa itong news and public affairs program ng ABS-CBN na nakatutok sa sektor ng edukasyon.

Sa kanyang pagtanggap sa Gawad Oblation award, tunay na tatak-Popoy ang kanyang naging talumpati dahil hindi niya nakalimutang isama sa kanyang mensahe ang mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong.

Ibinahagi ni Chairman Popoy ang mga kwento at boses ng maraming natatanging Pilipino na patuloy na lumalaban para sa edukasyon sa kabila ng kanilang mahirap na sitwasyon.  Kasama na rito ang mga iskolar na tulad nina Mikka Ella Samparada, Antonio “Tony” Esquelador Jr., Reynard Pasok, Abdulkadil Jani, Reynald Labong, at iba pang sa kabila ng kanilang mga hamon ay hindi sumusuko at patuloy na nag-aaral.

Sa kanilang mga kwento ay naalala ko rin ang aking panahon at ang mga kasama ko noon sa ABS-CBN Bantay Bata 163, kung saan ang naging puno't dulo ng aming paglilingkod para sa mga kapuspalad na kababayan natin ay ang pangarap na bawat isa ay mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng normal at masayang buhay. Ito rin ang nakikita ko sa CHED ngayon at nais kong maiparating sa kanila ang aking paghanga.

Larawan mula sa aming DZMM radio booth noong 2010, kasama si CHED Chairman Popoy de Vera para sa programang “Turo-Turo,” ang top-rating DZMM Teleradyo program ng ABS-CBN ukol sa edukasyon.
Facebook/Turo-Turo

Sang-ayon ako sa mensahe ni Chairman Popoy: "ang mga estudyanteng ito ang kumakatawan sa tunay na Pilipino. Nasa kanila ang abilidad na mangarap at magsikap, ang disiplinang kinakailangan para magtagumpay, at ang tiyaga na magpatuloy sa kabila ng lahat, ang pagtanggi sa pagsuko, at pagnanais na maglingkod sa kanilang pamilya at komunidad.”

Bukod sa pag-aaral tungkol sa estado ng higher education, nais ring makatulong ng bagong inisyatibo ng CHED sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa ating mga mambabatas, nang sila ay makapagpatupad ng pangmalawakan at komprehensibong solusyon para sa sektor ng edukasyon.
 
Ang Paglaum kag Pagdaug, o Pag-asa at Tagumpay, ay isang angkop na pangalan para sa inisyatibong katulad nito. Dahil tulad ng mga kwentong ibinahagi sa atin Chairman Popoy, ang edukasyon ay isang bukal ng pag-asa, at laban para sa kinabukasan.

---

Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook at YouTube (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). Sundan din ang aking social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, and Twitter.  Ipadala ang inyong mga suhestiyon at kuwento sa [email protected].

COLLEGES

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

EDUCATION

STATE UNIVERSITIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with