^

PSN Opinyon

Chinese pinapupuslit ng mga traydor sa BI

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa mahabang kasaysayan ng mundo, iba’t iba ang naging­ rason sa pagtalikod ng tao sa prinsipyo. May mga nakumbinsi na mali ang orihinal nilang paninindigan kaya nagbago. May mga naakit ng pag-ibig kaya lumipat ng panig. May mga natakot at umatras na lang.

Ang pinaka-walang-hiyang traydor marahil ay ang bayaran. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesukristo sa mga Pariseyo kapalit ang tatlong pirasong pilak. Dalawang libong taon mula noon ay kinasusuklaman si Hudas bilang simbolo ng kasa­kiman, kasamaan, at pagka-doble-kara.

May mga nagtraydor na Pilipino at kumampi sa kolonya­listang Kastila, Amerikano, at Hapones. Sila ang mga nasa firing squad ni Jose Rizal nu’ng 1896; mga bumihag kay President Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela nu’ng 1901; mga nagbenta ng bakal para gawing armas ng mga Hapon kontra gerilya nu’ng 1941-1945.

May mga traydor sa Pilipinas sa kasalukuyan. Hawak­ nila ang maseselang posisyong pang-seguridad sa Depart­ment of Foreign Affairs at Bureau of Immigration.

Sa malalaking halaga nagbebenta sila ng employment visas sa dayuhan. At hindi basta dayuhan, kundi sa mga Chinese na maaring maghasik ng lagim sa Pilipinas.

Inuulat na P250,000 ang pekeng employment visa sa isang DFA konsulada sa China. Limpak na salapi rin sa BI kaya nakapuslit ang 1,000 Chinese gamit ang papeles ng mga pekeng kompanya.

Nagbabayad ang Chinese para sa krimen dahil masama ang balak. Maaring mga espiya sila na magsasabotahe ng pasilidad sa Pilipinas. Bahagi ‘yun ng pang-aagaw ng China sa karagatan natin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PRINSIPYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with