Pagbibigay-parangal sa ‘Eyecons at Heroes’
Kapag ginagawa natin ang isang bagay nang sama-sama, mas tumitibay ang ating pamilya.
Magkakaiba tayo ng mga paboritong gawain bilang isang pamilya. Ang iba, nakagawian na ang annual out-of-town trips, o pagdalo sa reunion kasama ang extended family. Pero mahalaga pa rin ang anumang mga bonding kung saan buo ang pamilya at nagsasalu-salo sa iisang hapagkainan -- may kwentuhan, kantiyawan at tawanan.
Noon ay mas madalas ang ganitong mga pagkakataon – noong wala pa ang ating panahon at atensyon sa mga gadget. Dati, bilang isang pamilya ay nakapalibot tayo at nakatutok sa iisang bagay lamang, na nagdala sa atin ng tuwa at halo-halong emosyon, ang TV! Pero nang dumating ang mga gadget at cellphones, ngayon ay kani-kanya na tayo nang tinututukan.
Mabuti na lamang at mayroong mga kumpanya at brand na nais pa ring muling ibalik ang family value na ito na mahalaga sa ating mga Pilipino.
Salubungin ang bagong EyeCon ng Skyworth
Nang ako ay nabigyan ng karangalang mag-host sa event ng Skyworth para sa bagong EyeCon of Eyecare TV, o ang launching ng bagong ambassador ng kanilang brand, natuwa akong malamang kakampi ko ang Skyworth sa adbokaisya ng pagpapatibay ng pamilyang Pilipino. Siya ang napakagandang si Gabbi Garcia, na sa unang pagkakakilala pa lamang ay naintindihan ko agad kung bakit siya ang napili ng Skyworth.
Nangingibabaw, di lamang ang ganda ni Gabbi, kundi higit sa lahat ay ang kanyang talino at puso.
Bilang EyeCon of EyecareTV, magandang pagkakataon ito para maipakita ang galing ng kababaihan at ma-inspire ang kanyang henerasyon.
Pagmamahal sa pamilya at kulturang Pilipino
Isang hindi malilimutang selebrasyon ang inihatid ng Skyworth. Hindi lang ito gabi ng glamour o sosyalan, kundi higit sa lahat, naging sentro ng gabi ang kahalagahan ng pamilya, ng mga tradisyong Pilipino, at pagpupugay sa mga bayani ng ating mga komunidad.
Ang general manager ng Skyworth mismo ang sumalubong at nagpakilala sa bagong EyeCon na si Gabbi sa contract-signing ceremony. Sa pamamagitan ng kanilang bagong ambassador, ipinaramdam ng Skyworth kung gaano kahalaga sa kanila ang makipag-connect sa henerasyon ng kabataan at maisulong para sa kanila ang wholesome at uplifting values na nais ibahagi ng Skyworth.
Tumatak sa akin ang long-term vision ng Skyworth na muling ipagbuklod ang ating mga pamilya sa loob ng ating bahay sa pamamagitan ng mga solusyon na swak pa rin sa bulsa ng mga Pilipino. Nakatutuwang isiping ang mga tradisyong Pilipino na nais ibahagi at pagtibayin ng Skyworth ay siya ring aking adbokasiya. Kaya sana’y mas marami pang pamilya ang kanilang maabot.
Bukod sa family values, ibinida rin sa pagtitipon ang makulay na kulturang Pilipino, na kitang-kita sa suot ng lahat ng nakibahagi.
Pagpupugay sa mga bayani ng ating komunidad
Kasama ng pagdiriwang ng Skyworth para sa kanilang bagong EyeCon of Eyecare TV, mas nagningning pa ang gabi dahil sa pagkilalang iginawad sa awardees ng Sky Hero Awards.
Pinangunahan ito ng Junior Chamber International (JCI) na nais bigyang parangal at pagpupugay ang mga natatanging indibidwal para sa kanilang kontribusyon sa iba't ibang mga komunidad, partikular na noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ang Sky Heroes ay sina:
1. Agnes Benigno - masipag na community social worker
2. Alladin Cuevas - barangay chairman sa Tondo, Manila, masigasig na pinuno ng kanilang komunidad
3. Dr. Dex Macalintal - doktor sa Lipa City, Batangas, na nakatutok sa physical at mental well-being
4. John Jeffrey Dela Rea - isang public school teacher na nangangalaga sa maraming bata
5. Juvien galado - advocate ng sustainable waste management
6. Marivic Abunales Baston - isang pioneer teacher pagdating sa digital blended education
7. Mary Val Antoinette Urian - ang matatag na konsehal ng barangay sa Meycauayan, Bulacan
8. Suzette Prieto - isang women's rights advocate at public school teacher
9. Trisha-Marie Albeus - advocate ng sustainable mushroom production
10. Wilfredo Dayrit - mag-aasin sa Noveleta, Cavite, na nagtuturo tungkol sa tradisyonal na paggawa ng asin
Tumanggap ang Sky Heroes ng Skyworth products, cash prizes, at trophies. Pero ang mas nakatataba ng puso ay ang tinanggap nilang taus-pusong pasasalamat at pagkilala ng kani-kanilang mga komunidad. Saludo ako sa ating mga kababayang bayani, at sa Skyworth para sa pagbibigay sa kanila ng parangal at pagkakataon upang mas makilala pa sila ng mas nakararami.
Tunay na nakatutuwa ang naging selebrasyon ng Skyworth -- mula sa kanilang Endorser Launch hanggang sa Sky Hero Awards, naging pagkakataon ito para isulong ang kahalagahan ng family values, ang kulturang Pilipino, at ang kabayanihan ng ating mga kababayan. Isang malaking karangalan na maging bahagi ako ng gabing ito, at excited akong makita kung ano pa ang programang inihahanda ng Skyworth para mas mapasaya at mapatibay pa ang pamilyang Pilipino.
Para sa kinabukasan ng ating pamilya, kultura, at komunidad, sana'y patuloy tayong lahat na magsama-sama.
___
Sundan ang aking social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter at Kumu. Ibahagi ang inyong mga mungkahi at reaksyon sa [email protected]. Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube, Kumu, at Jeepney TV (sa SkyCable Channel 9, GSat Direct TV Channel 55, at Cignal Channel 44, tuwing Sabado 5 p.m.).
- Latest