^

PSN Opinyon

EDITORYAL ‘- Surot’ dagdag mantsa sa imahe ng Naia

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL ‘- Surot’ dagdag mantsa sa imahe ng Naia

Noong  nakaraang linggo, naglabas ng pag-aaral ang BusinessFinancing.co.uk na nagsasabing ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay ikaapat sa worst airport sa Asia para sa business travelers na may average rating na 2.78 over 10.

Ang pag-aaral na ito ay malaki ang epekto sa imahe ng pangunahing airport sa bansa. At nagkataon na lumabas ang pag-aaral habang patuloy ang kampanya ng Department of Tourism (DOT) na hikayating bumisita sa bansa ang mga dayuhan, Malaki ang pondo ng DOT para i-promote ang Pilipinas na mababalewala lang dahil may depekto ang NAIA.

Kamakalawa, nadagdagan pa ang dumi o mantsa ng NAIA nang may magreklamong mga pasahero dahil nakagat sila ng mga surot na nasa upuan sa NAIA ter­minal 2 at 3. Mabilis na kumalat sa social media ang pangya­yari at inulan ng batikos ang pamunuan ng NAIA. Ayon sa mga nakagat ng surot, nangati at namantal ang kanilang katawan nang maupo sila sa mga upuan. Kuma­lat din sa socmed ang video ng mga surot na nasa upuan.

Matapos kumalat ang video, agad nagsagawa ng paglilinis sa mga upuan sa NAIA. Inalis na umano ang mga upuan na may surot. Humingi naman ng pauman­hin ang pamunuan ng MIAA at sinabing wala nang mga surot sa mga upuan. Hiniling din na huwag daw agad sa social media ipaabot ang problema at direktang ipa­abot daw sa pamunuan ang problema. Aaksiyunan naman daw agad ang problema.

Marami pang hindi magandang nangyayari sa NAIA kaya tinaguriang “worst airport”. Noong nakaraang taon, tatlong beses nagkaroon ng aberya sa NAIA makaraang mawalan ng kuryente at ma-stranded ang mga pasahero. Maraming eroplano ang hindi makaalis at makababa.

Maraming pasahero ang nabiktima ng “tanim bala”, may mga pasaherong ninakawan ng pera, alahas at iba pang mga mahahalagang bagay. May mga empleyadong bastos at walang pakundangan sa mga pasahero.

Marami rin ang nagrereklamo sa haba ng pila para sa boarding at ganundin sa Immigration. Inaabot umano ng dalawa hanggang tatlong oras sa paghihintay.

Lumabas din sa resulta ng isang vlog na nagsasabing pangatlo ang NAIA sa pinaka-worst airport sa buong mundo. Ayon sa vlog, nakaka-stress ang airport na ito sa rami ng problemang nararanasan ng mga pasahero.

Ang pagsisikap ng pamahalaan na maibalik ang mga bumibisitang dayuhan at turista ay mawawalan ng saysay dahil sa mga hindi magandang nangyayari sa NAIA. Sino ang masisiyahang bumisita sa bansa kung sa airport pa lang ay dusa na ang kanilang sasapitin?

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with