^

PSN Opinyon

Mabungang pagbisita sa Nairobi, Kenya

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

SA paglabas ng aking kolum, kababalik ko lang mula sa Nairobi, Kenya kung saan dumalo ako sa ika-anim na United Nations Environment Assembly (UNEA-6). Ako ang napiling kinatawan ng mga siyudad, munisipalidad, at mga rehiyon mula sa iba’t ibang bansa upang iparating sa kina­uukulan ng UNEA, ang pinakamataas na decision-making body pag­dating sa kalikasan, ang aming mga mungkahi at hinaing tungkol sa pagsagip sa kalikasan.

Upang makabuo ng pinag–isang mensahe sa UNEA-6, pinakinggan ko ang talumpati ng mga kapwa ko lider sa Cities and Regions Summit noong nakaraang linggo. Ibina­hagi ng mga kilalang global leader, mga lokal na opisyal, international organizations, NGOs at pribadong sektor, ang kanilang mga suhestyon sa pagharap sa mga hamon ng triple planetary crisis ng climate change, biodiversity loss at pollution.

Una na riyan ang pagkilala sa mga lungsod bilang taga­pagsimula ng epektibong programa sa mga komunidad na dapat suportahan at pagtibayin pa ng national govern­ment. Kinakailangan ding magkaroon ng mekanismo na magpapadali sa pag-access ng mga pinansyal na suporta mula sa mga iba’t ibang institusyon upang mapalawak pa ang mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan.

Hinikayat din natin ang mga opisyal ng UNEA na kilalanin­ ang kabuluhan ng mga subnational governments sa imple­men­tasyon ng Multilateral Environmental Agreements (MEAs).

Ipinarating din natin ang kahalagahan na mabigyan ng nararapat na plataporma ang mga lungsod kagaya ng QC para maipahayag ang kanilang mga rekomendasyon lalo na sa pagpapatupad ng mga UNEA resolution at iba pang mga inisyatibo para sa kalikasan.

Kaugnay nito, matagumpay nating naibahagi sa pag­pu­­pulong  ang ilan sa mga programa natin sa QC, gaya ng urban­ agriculture na nakapagbigay ng 25,000 green jobs sa QCi­ti­zens, mga ordinansang nagbabawal sa single-use plastics, ang Trash to Cashback, at pagpalit sa QCity buses ng electric fleet.

Nakasama ko naman sa assembly bilang Team Quezon City sina Coun. Vito Sotto Generoso, at Kristine Lea Sy-Gaon ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD)

Isang makabuluhang learning experience ang aming sandaling pag-iikot sa Nairobi, lalo na sa pinakamalaki nilang slum area na tinaguriang Kibera. Hindi maituturing na karaniwang tourist spot ang lugar, ngunit nagsilbing isang eye opener sa amin, partikular na ang mga women entrepreneur sa kanilang komunidad. Nasaksihan din namin ang authentic culture ng nasabing lugar sa ating pakikisalamuha sa mga nakatira roon.

Napakarami nating natutuhan sa ilang araw nating pananatili sa Nairobi, Kenya na maaari nating ibahagi at ipatupad sa ating siyudad para sa kapakinabangan ng ating QCitizens.

UNITED NATIONS ENVIRONMENT ASSEMBLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with