^

PSN Opinyon

Apat na uri ng kulaboretor kung magkagiyera sa China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

APAT na uri ng kulaboretor nu’ng panahon ng Hapon, saliksik ni Prof. Augusto de Viana. Nar’un ang mga kulaboretor sa larangang militar.

Mga armado silang kumampi sa Hapon dahil sa galit sa Amerikano.

Nar’on ang kulaboretor sa pulitika. Isa si Benigno S. Aquino, lider ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (Kalibapi). Maraming mambabatas ang sumapi para patuloy na maghari-harian.

Nar’on ang kulaboretor sa ekonomiya. Isa si Mariano Marcos. Nagbenta sila ng scrap iron para gamiting pandigma ng Hapon. Nanatili silang mayaman habang nagu­gutom ang madla.

Nar’on ang kulaboretor sa kultura. Manunulat, brodkaster at patnugot sila ng diyaryo, magasin at radyo. Propa­ganda nila na normal ang lahat, at mga bandidong kontra-Hapon lang ang kinakarsel.

Napipinto ang giyera ng Pilipinas sa China. Ito’y dahil nilalabag ng China Communist Party ang pandaigdigang batas. Inaangkin niya ang exclusive economic zones ng Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia, Vietnam. Batay lang ito sa kathang isip ng CCP na 9-, 10-, o 11-dash lines.

Para sa CCP, ang malalaking bansa lang tulad ng China ang may karapatan. Sumabay na lang daw sa agos ang maliliit na bansa.

Sa giyera sa China, maglilitawan din ang apat na uri ng kulaboretor. May mga heneral na hayagang papatay ng Pilipino. May mga pulitikong magsusulong ng interes ng CCP. May mga kapitalistang mamamahagi ng likas na yaman ng bansa. May mga propagandistang magbabaluktot ng mga isyu.

Isa lang ang magiging tungkulin natin. Ito’y ang ma­na­tiling makabansa. Maging mapanuri, mapagmatyag, nagli­litawan na ang mga kulaboretor ng CCP.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

GERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with