^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kung kailan marami nang namatay saka maghihigpit

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Kung kailan marami nang namatay saka maghihigpit

PAULIT-ULIT lang ang trahedya. Puwede namang maiwasan pero hindi gumagawa ng paraan ang mga namumuno. Hindi na natuto sa mga nakaraang pangyayari. Kung kailan marami nang nalibing nang buhay, saka magkukumahog sa paggawa ng paraan.

Ganyan ang nangyari sa Bgy. Masara, Davao de Oro kung saan, 54 katao na naitatalang namatay dahil sa landslides. Sa kasalukuyan, 63 pa ang hinahanap. Noong isang araw, isang 3 taong gulang na batang babae ang himalang nailigtas makaraan ang 60 oras na pagkabaon sa putik. Dalawang bus na naghahatid ng mga minero ang natabunan ng putik. Isang bus pa lamang ang nahuhukay at hinihinalang may mga minero pang nasa loob.

Karamihan sa mga namatay ay mga residente ng Bgy. Masara na nasa paanan ng gumuhong bundok. Natabunan ng putik ang may 55 bahay. Ang walang tigil na pag-ulan sa rehiyon ang itinuturong dahilan­ ng pagguho ng lupa. Napuno ng tubig ang mga butas­ sa bundok dahilan para lumambot ang lupa. Ang Brgy. Masara ay may populasyon na 1,000 katao. Isa ito sa mga komunidad na nagmimina ang Apex ­Mining Co.

Ang lubhang nakapagtataka ay nang sabihin ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga na matagal na palang ipinagbabawal ang pagtira sa nasabing barangay at idineklara na itong “no build zone” noon pang 2008. Ayon kay Gonzaga, idineklara ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na hazard zone ang barangay na ang ibig sabihin, delikadong tirahan dahil posible ang pagguho lalo sa panahon ng tag-ulan.

Kung bawal ang pagtira, bakit marami pa ring tao roon. Pami-pamilya at nakapagtayo pa ng mga kon­kretong tahanan. Bakit hindi napigilan ang pagtira ng ng mga tao sa kabila na ang lugar ay “no build zone”.

Ngayon, sinabi ni Gonzaga, na talagang mahigpit daw na ipatutupad ang “no build zone” sa Bgy. Ma­sara pagkaraan ng trahedya. Hindi na raw hahayaang makapagtayo pa ng bahay ang mga residente.

Harinawang ang sinabi ng gobernadora ay magkaroon ng katuparan. Sana ay lubos na mabantayan ang lugar para wala nang tao na makapagtayo muli ng bahay. Sana ay hindi na maulit ang trahedya na maari namang naiwasan kung nagkaroon lamang ng lubusang paghihigpit.

Hindi sana “bulaklak ng dila” ang mga sinabi ng gobernadora na pagkaraan ng ilang buwan ay wala nang saysay at muli na namang nagbalikan ang mga tao sa paanan ng mga miniminang bundok. Hanggang sa maulit muli ang pagguho at marami na naman ang malilibing nang buhay.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with