^

PSN Opinyon

‘Loslos Boys’ vs ‘Topak Boys’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Part 2)

MAGANDA na sana ang buwelo ni “tamba” at ang kanyang mga Loslos Boys. Kaso, nabulilyaso, nagkabukingan.

Hayagang pumalag ang mga senador. Pananaw ng mga senador, gusto silang gulangan ng mga Loslos Boys.

Pag-iisahin o pagsasama-samahin na lang sila (Se­nado’t Kongreso) at hindi na magkahiwalay ang kanilang kapangyarihan kung naisakatuparan ang people’s initiative o P.I.

Dito na nag-umpisang magkabuhol-buhol ang lahat na ngayo’y nauuwi na sa sigalot.

Kaya naman si dating President Digong, nagpahayag na ihihiwalay na ang Mindanao. Kaya maglulunsad siya ng sariling bersiyon ng people’s initiative na tinawag niyang Independent Mindanao.

Ang nakapagtataka, bakit ngayon lang kaya niya na­isipan ito at hindi noong panahon ng kanyang termino?

Tahasang sinabi ni Digong na ito raw ay para may pagtataguan siya kung sakaling aarestuhin siya ng ICC.

Maisasakatuparan ito sa tulong ng kanyang amigo na si Pantaleon Alvarez na nagsusulong ng sinasabing “Inde­pendent Mindanao”, ayon mismo kay Digong.

Eto namang si Digong, kung magbiro talaga ay akala mo totoo ang pinagsasabi. Pero totoo nga talaga, tila hindi siya nagbibiro.

O mga taga-Mindanao, gusto n’yo bang ihiwalay na kayo sa Luzon at Visayas?

Baka naman kasi ang gustong sabihin ni Digong, kayong mga P.I. (PI na paboritong salitang kalye ni Digong), sa kongreso na nasa likod ng PI na people’s initiative…

Inumpisahan n’yo raw mag-people’s initiative para sa cha-cha, tatapatan kayo ng people’s initiative na inde­pendent Mindanao ng kanyang mga “Topak Boys”. Aba’y naloko na!

Unfiltered kong sasabihin, kung totoo man ang hakbang na ito ni Digong, maling-mali ito! Sa palagay ko, ganting-upak ito ni Digong sa “Loslos Boys” sa Kongreso ni “tamba.”

Ang masaklap, sa likod ng mga bangayan at kaganapang ito, nagbubunyi ang China.

vuukle comment

CRIME

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with