^

PSN Opinyon

Loslos Boys vs Topak Boys

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

NAWAWALA na ang pokus ng gobyerno dahil sa sigalot ng dalawang pinuno. Ang bangayan ng dating President Rodrigo Roa Duterte at kasalukuyang President na si Bongbong Marcos.

Pero epekto na lamang ito ng problema. Dahil ang dahilan ng problema ay ‘yung tinatawag na “uniteam”, lusaw na.

Dati, everybody’s happy. Kauna-unahan ba naman sa political history ng Pilipinas ‘yung 31 million votes ng pinag­sanib na puwersa ng standard bearer ng uniteam na si PBBM at ni VP Sara Duterte.

Balikan natin ang mga kaganapan na nag-umpisa nitong nakaraang taon. ‘Yung mismong mga taong nakapa­ligid at katsokaran ng Presidente, sila ang mismong naging ugat ng problema.

Etong mga nakapaligid sa Presidente at kaniyang mga political allies, walang mga prinsipyo. Walang mga platapormang nailalatag para sa taumbayan bagkus, inuuna ang kanilang mga nakatagong motibo. Isa pang nakalulungkot sa sistemang pulitikal ng Pilipinas, personality based na ang lahat, kinalimutan na yata ang political party system. 

Katulad na lang ng sinasabi ng mga “trapo” na lahat ng mga bagay o kasunduan, walang permanente. Lahat, pu­we­deng baguhin depende kung ano ang alok mo sa kanila at depende kung magkano ang balik sa kanila.

Kaya ang mga pulitikong tinaguriang trapo sa Kongreso, talagang walang mga prinsipyo.

Karamihan na sa kanila plastik, mandaraya, mga sinu­ngaling at eksperto sa panunuhol.

Eto ngayon ang sitwasyon, magdadalawang taon pa lang pero napaaga si “tamba” sa kanyang ambisyon. Biglang “lumuslos” ang kanyang totoong itinatagong kulay at political agenda.

Inumpisahan niya kay GMA, isinunod si VP Sara at tinrabaho ang isang TV network sa Davao dahil dikit sa mga Duterte.

Kamakailan lang, pinapasok na ang ICC na umano’y malaking banta ayon sa pananaw ng mga Duterte supporters. Pag nagkataon, puwedeng makulong si dating PRRD.

Ang ganda na sana ng buwelo nitong si amba at ng kanyang mga Loslos Boys. Ang problema, nagkabukingan!

Abangan ang part 2.

GOVERNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with