^

PSN Opinyon

Mas maraming budget at benefits sa 23 Makati bgys

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Tanggap ko na nga at nakaka move-on na ako na hiwalay­ na ang 10 EMBO barangays sa lungsod. Masakit man, igina­­galang ko ang desisyon ng Supreme Court kaya focus na tayo sa pagpapalakas ng mga pangunahing serbisyo sa Makati. Malaki pa rin ang populasyon at lumalaki ang komunidad na kailangang pagsilbihan, kaya ibubuhos natin ang budget at atensyon sa 23 barangays.

Ngayong 2024 ay tatanggap ng karagdagang P10-million share ang bawat barangay mula sa nalikom na pondo sa real property tax (RPT). Kinumpirma na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang average increase na 6.20 percent sa kanilang National Tax Allotment (NTA) allocation. Pinaalalahanan ko na ang mga barangay leaders na tiyaking magagamit nang wasto ang karagdagang budget at siguruhing ma-maximize ito para sa ikabubuti ng komunidad. Kailangang makapagpatupad ng bago, innovative, at high-impact programs na naka-align sa ating vision tungo sa inclusive, sustainable at resilient future.

Base sa report ng Accounting Department natin sa City Hall, P10,085,043.77 ang idinagdag sa RPT share ng bawat barangay. Katumbas ito ng average increase na 17 percent­ kumpara sa nakuha nila noong 2023. Hindi naman na lingid sa inyo na maliit lamang ang kinikita ng Makati sa EMBO barangays. Sa katunayan, noong 2023 ay one percent lamang­ ang ambag nila sa total RPT collection, at ang 99 percent ay galing sa 23 remaining barangays. Samantala, iniulat ng DBM na ang 23 remaining Makati barangays ay may total NTA allocation na P315,962,935 ngayong taon. Ito ay mas mataas ng P18,458,197 kumpara noong 2023.

Bukod sa mas malaking pondo ay sisiguruhin natin na naka-focus din tayo sa social development. Sa katunayan ay naglaan ako ng P9,199,756,000 para sa social develop­ment sector, na halos kalahati na ng P19.70 bilyong kabuuang budget para sa 2024. Ano ang ibig sabihin nito? Simple lang, mas marami at mas magaganda pang benepisyo ang tatanggapin ng bawat Makatizen. Sobra-sobrang blessings ang nata­tanggap ng Makati. Bukod sa masiglang ekonomiya, napakaganda ng ating relasyon sa business community kaya malakas ang tax collection natin.

Bukod pa rito, tapat ang mga nanunungkulan ngayon kaya maayos na nagagamit ang pondo para sa ikabubuti ng mga residente. Malaking bahagi nito ang pagpapaganda pa ng very impressive na nating healthcare services. Sa ilalim ng Yellow Card, nabibigyan ng libreng outpatient consultation, subsidized hospitalization at diagnostic tests sa OsMak at Makati Life Medical Center ang mga residente. Libre rin ang primary health care sa barangay health centers, bukod sa libreng gamot para sa hypertension, diabetes, at iba pang lifestyle diseases.

Base sa aprubadong 2024 budget, ang Health ang may pinakamalaking pondo sa mga social development sub-sector, sa halagang P4,136,000,000 o 45 percent ng pondo ng sektor. Sinundan ito ng Education na may P3,253,038,000 o 35 percent, at ng Social Welfare na may P1,810,718,000 o 20 percent. Ba­hagi ng health budget ang inilaang P2.36 bilyon para sa Ospital ng Makati, P1.71 bilyon para sa Makati Health Department, at P54.38 milyon para sa Veterinary Services Department.

Sa mga susunod na linggo, abangan ninyo ang updates sa Shingles vaccine. Libre ito para sa Yellow Card holders.

EMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with