^

PSN Opinyon

Sgt. Chan, nagpaliwanag!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Deny to death si Sgt. Paquito Chan na siya ang nasa likod ng mga masasakit kumagat na mga Doberman na guma­gala sa Calabarzon area at naging dahilan sa pagsarahan ng sugal lupa. Dipugaaaaa! Ang kainaman lang, hindi naman itinatwa ni Chan na tong kolektor siya.

Ayon kay Chan, puwede namang tanungin ang mga players o financiers ng sugal lupa, lalo na ang peryahan, sa Calabarzon para maliwanagan kung sino ang kausap nila sa lingguhang payola. At hindi siya ‘yun. Abayyyyy kung hindi talaga sangkot sa tong collection si Chan, hindi lang magpa­lakpakan ang mga players kundi bibili pa sila ng kuwitis para magselebra, di ba mga kosa? Mismooooo!

Kung sabagay, karapatan naman ni Chan na isiwalat ang saloobin niya tungkol sa bintang laban sa kanya. Kaya ipi­na­rating niya ang kanyang side sa pamamagitan ni Kosang Koi Hipolito Laura, at ilathala ko mga kosa “in the spirit of fair play.” Tumpak!

Kung ano man ang relasyon ni Kosang Koi kay Chan eh diskarte na niya ‘yan. Basta inamin ni Chan na binasbasan siya na mangulekta sa Calabarzon subalit naudlot nang iligwak siya ni Dipuga. Hehehe! Kelangan pa bang i-me­morize ‘yan?

Wala namang away si Dipuga kay Chan. Kaya lang uma­tungal at nag-iyakan ang mga players sa Calabarzon area dahil sa masakit na kagat ng mga Doberman n’ya kaya’t marami sa kanila ang nagsarahan. Paano naman kasi, ang weekly tara ay halos dinoble, triple at kuwadro ng mga Doberman.

“Kuya, mag-uumpisa pa lang sana. Kaso pinaputok agad kaya bumitaw ako. Wala akong magagawa kung ayaw n’yang maniwala na wala na ako sa grupo,” ‘yan ang text message ni Chan kay Kosang Koi. Paano kasi ayaw ni Dipuga na humarap sa kanya kaya idinaan niya kay Kosang Koi ang saloobin n’ya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Chan na kumpare niya si John John at isang pulis na kumukubra sa mga players ng intelihensiya tuwing linggo. “Mga kumpare ko sila kaya kaladkad ang pa­ngalan ko,” aniya. Nalungkot lang si Chan at maging pati pagiging awardee niya bilang “Hero of the Year” kasama sina PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at AFP chief Gen. Romeo Brawner at apat na iba pang empleado ng gobyerno ay naungkat pa. Kung sabagay, hindi binanggit ni Chan na nasa Dipuga rin ang pagpamudmod n’ya ng pitsa ala-Robin Hood. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hayan mga kosa! Kung patuloy pang nananalasa ang mga Doberman sa Calabarzon area, wala nang pakialam si Chan d’yan ha? Wais din itong mga Doberman at ayaw pahuli nang buhay. Paiba-ibang celfone ang gamit nila sa kada probinsiya ng Calabarzon para hindi madaling ma-pong.

Hindi lang ‘yan, pina-reremit na sa Gcash o mga money remittance firm ang weekly payola nila. Dipugaaaaa! Kaya tuloy lang ang tulo ng gripo nila. Eh di wow!

Sa panahon ng hi-tech gadgets sa ngayon, lalabas at lalabas din ang katotohanan sa isyung ito. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

DENY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with