^

PSN Opinyon

Kakaibang mister

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Sina Rudy at Marta ay walong taon nang nagsasama. Nagkaroon sila ng dalawang anak na edad tatlo at dalawang taong gulang. Noon ay naghihinala si Marta na minu­mo­les­tiya ni Rudy ang mga anak dahil madalas niyang mahuli na naglalaro ang mga bata ng kani-kanilang ari. Nang tanu­ngin sila ni Marta kung sino ang nagturo nito sa kanila ay agad nilang sinagot na “si Papa”. Kaya para protektahan sa patuloy na pang-aabuso ay agad nilisan ni Marta ang kanilang tahanan at isinama ang mga anak sa kaniyang mga magulang.

Pagkatapos ng tatlong taon, nagsampa ng petisyon si Rudy para ayusin ang kanyang karapatan bilang ama at humingi ng temporary protection order/hold departure order laban kay Marta. Sumagot si Marta at humingi rin ng kontra temporary protection order laban kay Rudy. Sa pag­lilitis ay ginawang testigo ni Rudy si Dr. Doris Holmes na nagsalaysay tungkol sa estado ng kaisipan ni Rudy pati sa kakayahan niya na maging ama sa mga anak na menor-de-edad.

Sa paglilitis, kinumpirma ni Dr. Holmes ang kanyang naging psychological evaluation report kay Rudy base sa memorya nito noong nasa hypnotic trance (hypnosis). Kinuwento niya na aksidenteng nakita ng mga bata ang mga magulang sa aktong pagtatalik na naganap ng ilang beses kaya sila nagkaroon ng sexual hyperactivity.

Bago siya sumalang sa paglilitis, hiningi ni Atty. Payo sa korte na huwag tanggapin ang testimonya ni Dr. Holmes dahil hindi naman napatunayan na isa siyang eksperto at hindi rin daw puwedeng tanggapin ang testimonyang base sa alaala habang nasa hiptonismo ang pasyente nito. Pero binasura ng korte ang mosyon at ipinagpatuloy ang paglilitis sa kabila ng patuloy na pagtutol ng abogado.

Pagkatapos ng cross-examination ni Atty. Payo kay Dr. Holmes tungkol sa kanyang kuwalipikasyon at paraan ng pagsuri kay Rudy ay nagsumite ng mosyon ang una para tanggalin ang testimonya nito sa rekord at tuloy ay para mapigil ang ebidensiya ni Rudy particular na ang psy­cho­logical evaluation report na base sa alaala habang nasa ilalim ng hipnotismo.

Hindi pa rin pinagbigyan ng RTC ang mosyon ni Atty. Payo dahil daw hindi agad nagprotesta ang abogado sa kwalipikasyon ng doktora. Binasura rin ang mosyon niya sa pagkontra sa psychological report dahil masyado pa daw maaga para dito. Hindi pa raw pormal na naghahain ng ebidensiya ang kabilang panig.

Kaya nagsampa ng petisyon si Atty. Payo para kuwestiyunin ito. Pero kinatigan ng Court of Appeals ang naging resolusyon ng RTC. Wala raw naging pagtutol sa direct exa­mination ni Holmes kaya ito ang nagsilbing implied waiver o pagpayag  sa testimonya.

Paulit-ulit din na tinanong ni Atty. Payo si Dr. Holmes sa cross-examination kaya lumalabas na hindi siya tumutol sa testimonya nito. Sa mosyon naman na huwag tanggapin ang psychological report ay pinahayag ng CA na hindi puwedeng mauna ang pagkontra sa paghahain ng ebidensiya. Tama ba ang CA?

Oo ayon sa Supreme Court. Para matanggal ang ebidensiya ay dapat na maghain ng pagtutol sa tamang oras at ilatag ng maayos ang basehan para dito. Pagkatapos ng tanong ay agad dapat sinalang ang pagpoprotesta o pagrereklamo. O kaya ay pagkatapos mabigay ang sagot.

Sa kaso naman ng mga dokumento na ebidensiya sa kaso, puwede ito pagkatapos na maisalang ang lahat ng testigo at masabi ang layunin ng bawat dokumentong ini­hahain. Ayon sa batas (Section 35/36, Rule 132, Rules of Court) ay puwedeng tumutol sa pamamagitan ng pag­su­sulat, sa loob ng tatlong araw matapos pormal na ihain ang ebidensiya maliban at may ibang panahon na itinakda.

Tungkol naman sa testimonya ni Holmes, dapat ay agad na tumutol si Marta sa pamamagitan ng kanyang abogado, noon pa lang inihain ang doktora bilang expert witness. Hindi na sila dapat naghintay na tapusin nito ang testi­monya bago nila kinontra ang kakayahan nito bilang isang eksperto. Kung ginawa nila ito ay sana hindi na nag-aksaya ang korte ng oras at panahon para lang maideklara na hindi katanggap-tanggap ang testimonya ng babae. Sa psycho­logical report naman, dapat ay mag-antay muna sila na pormal na ihain ng kalaban ang ebidensiya kaya luma­labas na parehong palpak ang naging pagkontra nila Marta sa dalawang ebi­densiya.

Kunsabagay, hindi raw dapat malito sa pagtanggap­ ng ebidensiya at sa kahalagahan nito. Ang pagtanggap sa ebidensiya ay sumasagot sa tanong na dapat ba na ikon­sidera ito. Samantalang ang kahalagahan o probative value­ ay tungkol naman sa silbi nito para patunayan ang isyu. Sa kasong ito, kahit tinanggap na ebidensiya ang testimonya at ulat ni Dra. Holmes, ang RTC pa rin naman ang hahatol kung makakatulong ito sa kaso (Villanueva-Magsino vs. Magsino, G.R. 205333, February 18, 2019).

MISTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with