^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Maraming matatakot sa ‘pagbabangayan’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Maraming matatakot sa �pagbabangayan�

NAG-UMPISA na ang bangayan nina dating President Rodrigo Duterte at President Ferdinand Marcos­ Jr. At hindi ito maganda lalo sa panahong ito na sising­hap-singhap pa ang ekonomiya at bago pa lamang nakababawi dahil sa hagupit ng pandemya. Naganap pa ang pagbabangayan habang pinu-promote ang bansa at hinihikayat ang mga dayuhan at turista na dumalaw sa bagong Pilipinas.

Sa nagaganap na bangayan ng mga malalaking­ pulitiko, matatakot ang mga dayuhan pati investors. Sino ang dadalaw sa bansang nagsisikmatan ang mga pinuno o mga pulitiko? Sinong negosyante ang maglalagak ng kanyang pera sa bansang nag-iiringan­ ang mga pulitiko? Kaysa sa Pilipinas isugal ang pera, dadalhin na lang nila sa mga bansang walang kagu­luhan. Safe na safe sila. Hindi sila matitigatig dahil­ walang nagbabangayan na mga lider pulitiko.

Noon pang 2022 Presidential election pinalutang ni dating President Duterte na gumagamit umano ng droga ang isang presidentiable. Hindi naman niya pinangalanan pero halata naman kung sino ang tinutukoy niya. Ngayon, wala nang preno ang bibig ni Duterte at tahasan na niyang pinangalanan si President Marcos Jr. na gumagamit ng droga.

Sa prayer rally nila noong Linggo sa Davao City, tinawag ni Duterte si Marcos na “bangag”. Bangag­ daw noon at ngayong Presidente na, bangag pa rin. Noong siya raw ay mayor pa, pinakitaan siya ng ebi­densiya­ ng PDEA at nasa listahan daw ang pangalan ni Marcos­. Sinabi pa ni Duterte na maaring mangyari rin kay Marcos Jr. ang nangyari sa ama nito noong 1986 People­ Power Revolution na napatalsik sa puwesto. Pati ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sebastian Duterte ay nanawagan na magbitiw sa puwesto si Marcos Jr.

Sagot naman ni Marcos Jr. sa mga sinabi ni Duterte­, gumagamit daw ito ng fentanyl—isang matinding gamot para sa kirot. Ayon kay Marcos, sinabi umano ito sa kanya ni Duterte limang taon na ang nakararaan. Ang fentanyl daw ay highly addictive at may serious side effects. Ito marahil daw ang dahilan kaya mara­ming sinabi ang dating Presidente laban sa kanya.

Nag-uumpisa na ang pagbabangayan at maaring magtuluy-tuloy na ito sapagkat nagkalamat na ang pag­sasamahan. Maaring mas tumindi pa ang pag-iiringan sapagkat hindi na mapigilan ang bibig ng dating Pre­sidente sa pagpapasabog.

At sa pagbabangayang ito, tiyak na ang apektado ay ang ekonomiya ng bansa. Tiyak na maraming magbabantulot na bumisita sa bansa. Kakabahan sila sa mga nangyayari. At dahil sa nangyayaring ito, tatamlay at hindi makababangon ang ekonomiya. Kawawa ang bansa dahil sa pagbabangayan.

vuukle comment

DAVAO CITY

ECONOMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with