Leave no stone unturned (PCSO Lotto Winners)

Dumarami ang malilikot ang pag-iisip hinggil sa mga sunud-sunod na Lotto winners kamakailan. Oo nga naman, kung dati-rati ay matagal at hindi ganoon kadali ang manalo.

Kaya nagpatawag na naman ng pagdinig sa Senado. Narinig naman natin ang kasagutan ng mga resource persons sa dahilan kung bakit kailangang i-edit ang litrato – para itago ang identidad ng nanalo.

Mahirap nga naman kapag ikaw ay identified lotto winner, puwede kang targetin dahil alam na marami kang hawak na pera.

Kung talagang seryoso ang Senado na mag-imbestiga sa isyung ito – dapat ipatawag, i-summon ang mga lotto winners. Bring in the warm bodies, kilalanin kung sino ba ‘yang mga nanalo na ‘yan.

The first thing that the Senate could do is to have an executive session, closed door at hindi dapat makikita ng media para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga ipatatawag na Lotto winners.

Kung talagang imbestigasyon ang pag-uusapan ay may karapatan ang mga Senador na tingnan ang record, pasikretong interbyuhin, alamin kung saan napunta ang pera kahit na kinakailangang puntahan.

Face to face, eyeball to eyeball – “ikaw ba talaga ang nanalo?” “Saan mo nabili ang ticket mo?” “Anong outlet at kailan mo binili?”

Ngayong nanalo na – “Kumusta ka naman, saan mo dinala ang pera mo?” “Saan mo dineposito?” (alangan bitbitin at ilagay lang sa ilalim ng kama) “Masaya ka ba’t nagbago ba ang buhay mo?”

Isama na rin yung katanungang kapag kinukuha nila ang premyo sa PCSO ay may thumbnail o biometrics man lang.

Pumayag na ang PCSO at mismong si General Ma­nager Mel Robles na i-summon ang mga pinaghihinalaang Lotto Winners.

We trust the Senate that they can do this. Tama na ‘yang mga estilong pa-grand standing lang. Leave no stone unturned para matigil na ang mga pangit na agam-agam.

Para magkaalaman na kung totoo ba o lutong Macao nga ba o gawa-gawa lamang ang mga nanalong ito sa loob ng PCSO.

Show comments