^

PSN Opinyon

Mga dahilan kung bakit sumasakit ang tiyan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PARA malaman ang mga posibleng dahilan ng pananakit­ ng tiyan, heto ang mga itatanong sa pasyente. Una, saang parte ng tiyan ang masakit? Pangalawa, ano pa ang iba mong nararamdaman?

Narito ang mga posibleng sanhi ng sakit ng tiyan:

1. Ulcer o hyperacidity – Kapag ang pananakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa gitna o bandang kaliwa, ito ang lugar ng sikmura. Posibleng ulcer o hyperacidity ang iyong sakit. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.

2. Gallbladder stones – Kapag ang sakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa kanan, ito ang puwesto ng gallbladder o apdo. Posibleng may bato ka sa apdo. Minsan ang sakit ay tumutugon sa bandang likod. Dumarating din ang sakit kapag nakakain ka ng mamantika at matatabang pagkain. Magpa-ultrasound ng tiyan para malaman kung may bato sa apdo o wala.

3. Appendicitis – Kapag nasa ibaba at kanan ang sakit, ito ang lugar ng appendix. Ang sakit na appendicitis ay nag-uumpisa sa may sikmura at pagkaraan ng 2-3 araw ay lumilipat sa kanang bahagi. Masakit ang lugar na ito kapag dinidi­inan. Kumonsulta agad iyong sa doktor.

4. Colic – Kapag paikut-ikot ang sakit at walang perma­nenteng lugar, ito ay marahil sa paghilab ng bituka. Ang tawag dito ay colic at hindi naman delikado. Maaaring nakakain ka ng maruming pagkain at magtatae ka lang.

5. Gastroenteritis -- Kung mahilab ang iyong tiyan at nagtatae ka, ito ay malamang dahil sa gastroenteritis o impek­syon na nakuha sa panis o maruming pagkain. Uminom ng maraming likido (tubig, sopas o lugaw) at kumain ng saging.

6. Amebiasis – Kapag madalas kang dumumi at may bahid ito ng sipon at dugo, posibleng amebiasis ito. Magpasuri ng dumi (fecalysis) sa laboratory.

7. Kidney infection o stones – Kapag nasa may puson ang sumasakit at mahapdi ang iyong pag-ihi, posibleng may impeksyon ka sa ihi o may bato sa bato (kidney stones). Magpa-check ng urinalysis para malaman ang sakit.

8. Sakit sa matris o obaryo – Kapag ika’y babae at sa may puson ang sumasakit, posibleng nasa obaryo at matris ang iyong problema. Puwede itong dysmennorhea (sakit kapag malapit na ang regla), ovarian cyst (bukol sa obaryo) o myoma.

***

Pagkulo ng tiyan

Kapag kumukulo ang tiyan, marami itong kadahilanan. Una sa lahat, ang tunog na naririnig ay maaaring galing sa bituka o small intestines at hindi sa tiyan. Ang masel ng bituka ay talagang humihilab at tumutunog. Ito’y para gumalaw ang likido at hangin sa loob ng ating tiyan.

Puwedeng tumunog ang tiyan kung gutom o kahit busog tayo. Normal na magkaroon ng tunog ang tiyan.

May mga pagkakataon na mas malakas ang tunog o pagkulo ng tiyan.

1. Kapag nagugutom, humihilab ang sikmura at bituka para ilabas ang natitirang pagkain na kinain mo. Kapag nakakain ka na ay mas tatahimik ang iyong tiyan.

2. Kapag na-stress, puwedeng may paikot-ikot na sakit sa tiyan, kasama na ang paghilab ng bituka. Ito ang tinatawag sa Ingles na “butterflies in your stomach.”

3. Kapag nakakain ng panis o maruming tubig, puwedeng humilab ang tiyan bago magtae. Gastroenteritis o impeksiyon na nakuha sa maruming pagkain ang dahilan nito. Uminom nang maraming likido (tubig, sopas o lugaw) at kumain ng saging.

4. Kapag may ulcer o hyperacidity, sumasakit sa itaas ng tiyan sa lugar ng sikmura. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.

5. May iba pang dahilan ang pagkulo ng tiyan tulad ng bulate, bato sa apdo (gallbladder stone) at kanser. Kumunsulta sa doktor.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with