^

PSN Opinyon

Tungo sa pagiging ‘Zero Waste City’

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Enero, ipinagdiriwang natin ang National Zero Waste Month, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 760 ng yumaong President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Tampok sa National Zero Waste Month ang kampanya para bawasan ang solid waste na ginagamit sa paggawa at paggamit ng iba’t ibang produkto, pati na ang pagbili ng mga ito.

Bilang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila, itinu­tu­ring nating isa sa mga malaking hamon ang pagbawas sa solid waste at ang negatibong epekto nito sa ating kali­kasan.

Upang mapagtibay pa ang ating laban kontra solid waste, nagpatupad tayo ng ilang mga programa para mabawasan ang paggamit ng plastic sa pang-araw-araw na pamumuhay ng QCitizens.

Una rito ang Trash to Cash Back Program, kung saan binibigyan natin ng pagkakataon ang mga residente na kolek­tahin ang kanilang mga recyclable waste at ipagpalit ito sa Environmental Points (EPs).

Magagamit ang Environmental Points (EPs) na pambili­ ng grocery at iba pang gamit at pambayad sa tubig, kuryente­ at internet. Sa huling datos ng Climate Change and Environ­mental Sustainability Department (CCESD), mahigit 2,200 na QCitizens na ang naging eco warriors at nakakolekta ng mahigit 310,000 kilos ng plastics sa buong lungsod.

Pagkatapos naman ng halalan noong 2019, naging problema kung saan itatambak ang napakaraming tarpaulin na ginamit ng mga kandidato.

Dito nabuo ang ideya ng “Vote to Tote” campaign, katu­wang ang ilang mga negosyo at mga grupo. Sa pama­ma­gitan nito, ginawang reusable tote bags ang sangkater­bang tarpaulin at poster, na nagbigay daan pa para magkaroon ng kabuhayan ang ilan nating QCitizens. Mahigit 70 tone­lada na ng tarpaulin ang na-upcycle.

Kamakailan naman, inilunsad natin ang “Kuha sa Tingi” initiative kasama ang Greenpeace Philippines at Ripple X.

Sa “Kuha sa Tingi,” maglalagay ng community-based refill hubs sa mga sari-sari stores sa iba’t ibang parte ng lungsod. Dito, puwedeng magdala ang mga mamimili ng sariling­ re­usable containers para mag-refill ng basic commodities gaya ng liquid detergent, fabric conditioner, at dishwashing liquid. Sa kasalukuyan, 1,060 na sari-sari stores na ang parte ng programa mula sa iba’t ibang barangay.

Malawakan rin ang pagpapatupad natin ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics.

Nakikita na natin ang positibong epekto ng mga programang ito sa ating kampanya kontra solid waste. Sa tulong ng ating QCitizens, tiwala ako na malaki ang epekto nito sa ating hangarin na maging zero waste ang ating lungsod.

vuukle comment

BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with