^

PSN Opinyon

Inabuso, nilokong mga magsasaka? IpaBITAGmo!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong makita ang accomplishment na ipagmamalaki ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa pamumuno ng bagong upong Secretary na si Frannie Tiu-Laurel.

Tulungan ang ating mga magsasaka kung saan sila’y nagtatandaan at napapabayaan na. Ang kanilang mga anak, nawawalan ng ganang magsaka dahil nasaksihan nila ang matinding paghihirap ng kanilang mga magulang.

Masisisi ba natin sila?

Inaasahan ko sa aking kaibigan na si Secretary Laurel na magiging agresibo na ang ahensiya at hindi mapapa­ba­yaan ang kapakanan at karapatan ng mga magsasaka natin.

Lalo ngayong may paparating na El Niño. Inaasahan ang mga binhi, fertilizer at patubig.

Kinakailangan din na bisitahin ng Kongreso o Senado ang tinatawag na devolution of role ng ilang ahensiya ng gobyerno sa mga lokal na pamahalaan.

Tama lamang na bantayan ng mga local o municipal agricultural officer ang mga magsasaka sa kanilang nasa­sakupan. Pero hindi tama na ang kanilang dinidiyos ay ang mayor ng kanilang lugar.

Dapat, isailalim sila diretso sa pamantayan at panuntunan ng DA. Hindi ‘yung utos ni Mayor ang batas kahit pa napagsasamantalahan na ang mga pobreng magsasaka.

Meron pa riyan, mga partylist na nirerepresenta umano ang mga magsasaka subalit wala namang nagagawa at ambag sa buhay ng mga magsasaka.

Nakakahiya hindi ba? Ang kakapal ng mukha.

Sa binhi, fertilizer, patubig at farming equipment pa nga lang, kandautot na kayo. Paano n’yo pa maipagtatanggol ang mga magsasaka sa mga manloloko’t mapagsamantalang negosyante na pinapakyaw ang kanilang mga pa­ninda sa barat na presyo.

Kung minsan, dinodorobo pa’t hindi na binabayaran.

O ‘yung mga lupang sinasaka nila na pilit nire-reclassify at idedeklarang unproductive para mabili ng mga negosyante’t matayuan ng kanilang mga pabrika?

Kaya ang BITAG, walang kiyemeng hinahambalos, itinatabla ang laban ng mga magsasaka.

Karangalan ng BITAG na pagtiwalaan kami ng mga magsasakang biktima ng pang-aabuso’t panloloko.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with