^

PSN Opinyon

Psychological incapacity

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang kasong ito ay tungkol sa psychological incapacity na nakasaad sa batas (Art. 36 Family Code) na basehan para sa pagpapawalang-bisa ng kasal mula pa sa umpisa. Ayon sa sangkatutak na kaso sa Pilipinas ay kailangan na (1) seryoso ang kondisyon ng pag-iisip at aabot sa punto na hindi kayang gampanan ng isa ang mga ordinaryong tungkulin bilang isang asawa, (2) taglay na o naroon na ang kondisyon bago pa mag-asawa pero lumabas nga lang pagkatapos nilang magpakasal at (3) hindi ito magagamot o hindi saklaw ng kabilang panig kung paano ito mabigyan ng solusyon. Ang mga ito ay ipaliliwanag sa kaso nina Rudy at Letty.

Sina Rudy at Letty ay nagkita sa America noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo. Nagkagustuhan sila at pagka­tapos lang ng 15 buwan ng pagkakilala ay nagpasyang umuwi sa Pilipinas para magpakasal pagkatapos ng isang taon. Saka sila bumalik sa Amerika at nakitira sa mga magulang ni Rudy hanggang magkaroon sila ng anak na babae, si Lisa, na kaisa-isang anak nila. Ipinanganak ang bata pagkatapos ng dalawang taon nilang pagsasama.

Habang nakatira sa mga biyenan ay panay ang reklamo ni Letty na laging kulang ang pera at hindi man lang sila makabukod sa mga magulang ni Rudy. Inaaway niya lagi si Rudy na kumuha ng trabaho na mas malaki ang sweldo para mas umasenso sila at magkaroon ng engrandeng pamumuhay. Natutuwa lang siya kay Rudy kapag binibigyan siya ng mamahaling regalo o kaya ay kung lumalabas sila para kumain sa mga sosyal na restawran. Naisipan tuloy ni Rudy na pumasok sa negosyo para lang madagdagan ang kanyang kinikita.

Sampung taon silang tumira sa Amerika bago nagpasyang lumipat sa Korea kung saan nakatira ang mga magulang ni Letty. Doon din nila nilipat ang kanilang negosyo pero nalugi ito. Kamukha ng dati ay palagi pa rin na nag-aaway ang mag-asawa tungkol sa pera. Ang madalas nilang pag-aaway at ang pagtatalak ni Letty ang naging sanhi ng pagbaba ng kumpiyansa ni Rudy sa sarili. Tuloy nagkaroon pa nga siya ng erectile disorder na lalong nag­bunsod kay Letty para hamakin ang lalaki at tuloy akusahan ang pobre ng pambababae.

Pagkatapos ng 21 taon ng pagsasama ay tuluyang hiniwalayan ni Letty si Rudy sa Korea sa piling ng mga magulang niya. Pati anak nila na si Lisa ay isinama nito at dinala sa Amerika. Sinabihan pa niya si Rudy na babalikan lang niya ang lalaki kapag maayos na ang estado nito sa buhay.   Dahil sa ginawa ni Letty ay nagsampa ng petisyon si Rudy para ipawalangbisa ang kasal nila sa RTC base sa psychological incapacity ng babae alinsunod sa Art. 36 ng Family Code.

Nang hindi sumagot si Letty at napatunayan na walang sabwatan sa pagitan ng dalawa ay nagpatuloy ang paglilitis ng kaso. Ginawang testigo ni Rudy si Dr. Fred Santos, isang clinical psychiatrist na gumawa ng interbyu kay Rudy, sa sekretarya nito na si Naty, at sa drayber nilang si Berto. Base sa ginawang interbyu ay napatunayan ni Dr. Santos na may narcissistic personality disorder si Letty dahil sa magulong pamilyang kanyang kinalakhan. Pitong taong gulang pa lang kasi ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at pinalaki siya sa palo/mura ng kanyang ina. Pati ang ama-amahan niya ay binubugbog din siya kaya nagrebelde si Letty.

Ang pera raw ang batayan ng tagumpay ayon sa mga magulang nito. Kaya lumaki si Letty na pinapahalagahan ang materyal na bagay at ito ang hinahanap niya sa mga lalaki. Sa kabilang banda, napag-alaman naman ni Dr. Santos na emosyonal si Rudy dahil sa estado ng buhay may-asawa niya pero walang indikasyon na may psychological disorder din ang lalaki.

Binasura pa rin ng RTC ang petisyon. Base daw sa lahat ng ebidensiyang inihain ay hindi napatunayan na matindi ang psychological incapacity ni Letty. Ang mayroon daw ay personality disorder pero hindi siya nagkaroon nito bago pa man sila magpakasal. Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon na ito. Tama ba ang RTC at CA?

Tama ayon sa SC. Kahit pa sinisisi ni Dr. Santos ang personality disorder ni Letty sa magulong pagkabata nito ay wala naman silang naipakitang testigo na nakakaalam sa buhay nito noong bata pa. Lumalabas din na hindi nakilala nina Naty at Berto si Letty noong bago ito nag-asawa. Lubos itong nakaapekto sa bigat ng ulat ni Dr. Santos na base sa kuwento ng buhay ni Letty noong pagkabata niya at ang mga pangyayaring nagkaroon ng epekto sa kanyang pagtanda.

Ang pagkakaroon ng psychological incapacity na dahilan ng pagpapawalang-bisa sa kasal ay mapapatunayan sa mga katotohanang inihain sa korte. Hindi trabaho ng hukuman na pag-aralan ang ulit ito lalo at kinatigan naman ng CA. Puwera na lang kung may matinding dahilan na ipakita para muling busisiin ng SC ang mga isyu at may pagkakamali na magiging basehan na baliktarin ang desisyon.

Ang pagbasura ng petisyon ay maaring masabing isang habambuhay na sentensiya para makulong sa isang kasal na walang pag-ibig ang dalawa. Pero ang kasal ay labas sa personal na emosyon lang. Obligasyon ng hukuman na magbigay ng hustisya at base ito sa batas/ebidensiya, hindi lang sa pag-ibig. Iyon nga lang, hindi nga napatunayan na sapat ang ebidensiya sa kasong ito (Meneses vs. Meneses, G.R. 200182, March 13, 2019)

CA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with