^

PSN Opinyon

Kasuhan kung gustong maparusahan! ‘Wag itengga sa kulungan!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay ng matapang na pahayag ang media watchdog­ na Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa ginawa ng mga mambabatas natin sa kongreso laban sa SMNI.

Tinawag ng CMFR na “politics at work and little else” ang mga kaganapan sa kongreso.

Alam naman kasi ng lahat na ang mga brodkaster na nasa hotseat na sina Celiz at Partosa ay kilalang mga political propagandists sa media.

Sabihin na nating negatibo ang kanilang pinaggagawa sa mata ng mga mambabatas at mga taong tinamaan nila. Nakadagdag ang isyu ng red-tagging civil society organi­zations at maging mga kauring mamamahayag sa media.

Pero itong mga kongresistang nagkaisa laban sa SMNI, kakaiba. Iba rin ang pakay.

Personally, I do not believe on the issue of “invoking values of civic discourse and media ethics.” Mas naniniwala ako na ang power of freedom of expression ay may kaakibat na responsibilidad at legal liability.

Sus! Kailan ba naging true blue journalist ang mga bida-bida’t maiingay na ilang mambabatas na ‘to para ma­intindihan ang ethics, laws and sacredness of journalism as profession?

Hindi ko maintindihan kung eto bang ilang mambabatas­ ay naga-grand standing lang habang nasa TV sila’t nagma­magaling.

Kung gusto nilang parusahan ‘yung dalawa, eh di ide­manda. Kung may paninira na ginawa, kasuhan ang da­lawa ng kanilang siniraan.

Nandiyan naman ang ating korte na magpapatunay kung sila nga’y nagkasala at may nilabag na batas para maparusahan.

Hindi ‘yung pipilitin mong paaminin pagkatapos ay ikukulong mo dahil ayaw ibigay ang source. Kung ayaw magsalita, kasuhan n’yo. Hindi ‘yung itetengga n’yo sa kulungan sa kongreso.

Ang sarap yata talagang maging senador at kongreso? Walang libel-libel, bastusin mo, kagalitan mo ang resource person. Hindi mo pwedeng idemanda dahil sa parliamentary immunity.

Eto pa, wala na dapat sa kapangyarihan ng kongreso na panghimasukan ang trabaho ng National Telecommunications Commission (NTC) patungkol sa prangkisa ng network.

Puwede ba, huwag na nating ulitin ang mga pinaggagagawa noong panahon ni PRRD. ‘Yung mga chuwariwariwap noon sa kongreso, nagpakitang gilas.

Kaya ayun, sarado ang ABS-CBN.

Ano ba ‘tong nangyayari ngayon, dejavu ba?

SMNI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with