^

PSN Opinyon

Bakit kumukulo ang tiyan?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag maingay o kumukulo ang tiyan, marami itong kadahilanan. Una sa lahat, ang tunog na naririnig ay maa­aring galing sa bituka o small intestines at hindi sa tiyan. Ang masel ng bituka ay talagang humihilab at tumutunog. Ito’y para gumalaw ang likido at hangin sa loob ng ating tiyan.

Puwedeng tumunog ang tiyan kung gutom o kahit busog tayo. Normal na magkaroon ng tunog ang tiyan.

May mga pagkakataon na mas malakas ang tunog o pagkulo ng tiyan.

1. Kapag nagugutom, humihilab ang sikmura at bituka para ilabas ang natitirang pagkain na kinain mo. Kapag nakakain ka na ay mas tatahimik ang iyong tiyan.

2. Kapag na-stress, puwedeng may paikot-ikot na sakit sa tiyan, kasama na ang paghilab ng bituka. Ito ang tinatawag sa Ingles na “butterflies in your stomach.”

3. Kapag nakakain ng panis o maruming tubig, puwedeng humilab ang tiyan bago magtae. Gastroenteritis o impeksiyon na nakuha sa maruming pagkain ang dahilan nito. Uminom nang maraming likido (tubig, sopas o lugaw) at kumain ng saging.

4. Kapag may ulcer o hyperacidity, sumasakit sa itaas ng tiyan sa lugar ng sikmura. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.

5. May iba pang dahilan ang pagkulo ng tiyan tulad ng bulate, bato sa apdo (gallbladder stone) at kanser. Kumunsulta sa doktor.

* * *

Kumain nang mabagal

Naaalala ba ninyo noong bata pa kayo madalas sabihin ni nanay, “Nguyain mabuti ang pagkain.” Tama siya. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang marahang pag-nguya ay nakababawas ng acid reflux at tinutulu­ngan ka na mabawasan ang iyong timbang.

Ang pagnguya ng maigi ng pagkain ay nagsisimula na durugin ang pagkain bago pa man ito bumaba sa iyong tiyan. Napapadali nito na matapos agad ang trabaho ng stomach acid at enzymes. Sa karagdagan, ang pag-focus sa pagkain ay maaaring magpamuni-muni, para ma-relax ang iyong isipan, ng sa ganon ay mabawasan ang stress na kung minsan ay nakapagpapalaki ng acid reflux.

Ang iba pang benepisyo ng pagkain ng mabagal ay nakatutulong na mabawasan ang timbang. Ang tiyan­ at ang maliit na bituka ay nagbibigay ng senyales sa ating­ utak kapag ang ating nakain ay sapat na. Ngunit umaabot ng 15 minuto ang mensahe bago ito makarating. Ang mga mabagal kumain ay nakakakuha ang senyales na ito kaya titigil sila sa pagkain. Ang mga mabilis naman kumain ay hindi nakakakuha ng senyales kaya sobra-sobra sila kumain.

Para bumagal ang pagkain, gawing seremonya ang pagkain. Umupo sa mesa sa halip na kumain ng mabilis. Iwasan ang kumain ng naka-kamay dahil mas mainam kung gagamit ng kubyertos. Namnamin ang kulay, kaya­rian, amoy at lasa ng inyong pagkain. Tandaan na pinalulusog mo ang iyong katawan kaya naman gawin ang tamang proseso.

TIYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with