^

PSN Opinyon

Natural na gamutan sa asthma  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga kaalamang natutunan ko tungkol sa pag­gamot ng hika (asthma). Puwede ninyo itong subukan.

1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.

2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na “mukokinetic” at nagpapaluwag ng plema sa baga.

3. Kapag inaatake ng hika, subukang uminom ng matapang na kape o black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.

4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para mabawasan ang hika.

5. Uminom ng Vitamin C tablet hangang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.

6. Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses bawat linggo. Subukang mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong masel na ginaga­mit sa paghinga.

Iwasan ang mga ito:

1. Ang softdrinks ay nakapagsisimula ng hika, lalo na sa mga bata. 

2. Ang vetsin din ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake ng hika.

3. Alamin ang pagkain na nakaka-allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango at mga mani, itlog at manok. 

4. Mag-ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.

5. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans. Lumolobo ito at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapang huminga.

6. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o ‘yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maruruming hangin at lugar. Puwedeng magsuot ng face mask para mabawasan ang usok na nalalanghap.

ASTHMA DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with