Kapayapaan sa pamamagitan ng sports
Ang kapayapaan ay hindi nakukuha sa isang araw lamang na kung saan natatapos ito sa paglagda ng isang kasulatan na ang mga parties involved ay manunumpang pairalin ang kapayapaan sa pagitan nila.
Ang kapayapaan ay isang proseso na patuloy na tinatahak ng mga parties involved.
Kaya naman minsan kahit na tapos na ang sinasabing usaping pangkapayapaan o peace talks ang peace process ay patuloy na gaganapin para sa ikabubuti ng mga panig na involved nito.
Gaya lang nang nangyari kamakailan na ang mga men in uniform ng ating bansa ay nakatunggali ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isang basketball game at iba pang sports sa ngalan ng kapayapaan.
Ang sarap sa pakiramdam kung tayo ay magkaunawaan kahit sandali man lang at nang ito ay makatulong sa ating commitment sa kapayapaan.
Malaki ang tulong ng mga activities gaya ng sports sa patutunguhan nating kapayapaan. Kaya halika na at magsama-sama na tayo sa sports.
- Latest