^

PSN Opinyon

DepEd, di nakalusot sa fake news

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGLIPANA na talaga ang fake news ngayon na kumakalat online at kung basta-basta ito paniniwalaan ng sambayanan ay marami ang mabibiktima.

Kamakailan lang, may lumabas na advisory na may cancellation ng Christmas parties at suspension ng ­classes sa public schools dito sa Davao City.

Ito ay pagkatapos nang malakas na lindol noong Disyembre 3 at ang nangyaring pagsabog ng bomba sa Mindanao State Univerity sa Marawi City na ikinamatay ng apat katao at maraming nasugatan.

Naganap ang pambobomba habang ginaganap ang isang misa sa gymnasium ng MSU. Inilagay ang IED sa upuan. Isang suspect na ang naaresto sa bombing.

Ngunit ang lahat ng balitang cancellation ng classes at Christmas parties dito sa Davao ay pinabulaanang lahat ni Department of Education Region XI Jenelito “Dodong” Atillo.

Ayon ka Atillo, walang katotohanan ang pinagsasabing suspension of classes at cancellation ng Christmas parties. Fake news umano  ang lahat nang ito at hindi dapat paniwalaan ng mamamayan.

Ayon kay Atillo pinaimbestigahan na ang nasabing maling advisory na umano’y na-trace sa dalawang guro na sinabing sila ang unang nag-post ng nasabing advisory na hindi naman totoo.

Ito talaga ang mahirap sa mga taong walang magawa at nais lamang manggulo. Mahilig lang silang magpakalat ng fake news.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with