^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nakahanda ba sa ‘The Big One’?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Nakahanda ba sa ‘The Big One’?

NOBYEMBRE 17, 2023 nang lumindol (7.2 magnitude) sa General Santos City at Sarangani na ikinamatay ng pitong katao. Hindi pa man nakakabawi ang dalawang lugar sa pagyanig, ang Surigao del Sur naman ang nilindol. Tumama ang unang lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Disyembre 2 na may lakas na 7.4 magnitude at ang ikalawa ay noong Disyembre 4 sa Cagwait, Surigao del Sur na may lakas na 6.8 magnitude.

Sa lindol sa GenSan at Saranggani, ang mga namatay ay pawang nabagsakan ng mga naguhong bagay gaya ng pader, bumagsak na kisame, salamin at haligi. Nagkaroon ng pagpa-panic at hindi na nakapag-isip kung paano makaiiwas at makaliligtas sa mga bagay na bumabagsak sa kanilang paligid.

Halos ganito rin ang nakitang pagpa-panic sa lindol na naganap sa Hinatuan, Surigao del Sur na nag-unahan sa paglabas ang mga tao sa gusali at establisemento. May mga video sa isang bar na halos magtulakan sa paglabas at may nayapakan pa. Hindi nila alam ang gagawin sa ganung biglaang sitwasyon. Hindi malaman ng karamihan kung saan magkokober para makaiwas sa bumabagsak na bagay mula sa kisame. Nalimutan na nila ang “duct cover and hold” na laging itinuturo sa earthquake drill. Ayon sa Phivolcs, mas marami ang namamatay dahil sa pagpa-panic kaysa napinsala ng lindol. Mahalaga na huwag magkagulo sa pagtama ng lindol. Maging kalmado.

Kakambal na ng Pilipinas ang lindol sapagkat napapaligiran ito ng “ring of fire” at mga aktibong bulkan. Walang pinipili ang lindol kaya nararapat na paghandaan ng mamamayan. Hindi katulad ng bagyo, biglang dumarating ang lindol na walang babala. Anumang oras, araw o gabi, posibleng tumama ang lindol.

Ang mga nagaganap na lindol sa Mindanao ay nagpapaalala sa “The Big One” na posibleng tumama sa Metro Manila. Sabi ng Phivolcs, kapag tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa MM, posibleng 34,000 katao ang mamatay at 114,000 ang masusugatan. Ayon sa Phivolcs, kapag gumalaw ang West Valley Fault, ito ang sinasabing “The Big One”. Pinag-aralan umano ito noon pang 2004. Ang pag-aaral sa “The Big One” ay nakasaad sa Earthquake Impact Reduction Study for Metro Manila na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang tanong ay kung handa ba ang mga taga-MM sa pagtama ng “The Big One”? May plano ba ang pamahalaan? Saan mag-e-evacuate ang mga tao kapag yumanig? Mayroon bang magga-guide sa mga tao kung saan pupunta para sa safe na evacuation? Nagkakaroon ba ng inspection sa mga gusali?

Naiisip lamang ang paghahanda sa lindol kapag may nangyari nang pagyanig. Gawing regular ang earthquake drill para nakahanda ang mamamayan.

vuukle comment

EARTHQUAKE

SURIGAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with