Napakasustansiya ng nilagang kamote

NAPAKARAMING benepisyo na makukuha sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura rin ito at mabibili sa buong taon.

1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat­ na trabaho o nagpapagaling na may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi makakakain nang marami.

4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Meron iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya katamtaman lamang ang kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifi­do­bacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

Show comments