Narito ang mga payo kapag nakaramdam ng sobrang pananakit ng likod.
1. Pag-upo – Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito’y kinakailangan mo munang tumayo at maglakad-lakad.
2. Umupo ng may suporta sa likod – Kailangang may nakasuportang unan sa iyong likuran o lumbar roll.
3. Panatilihin ang balakang at tuhod na nasa tamang anggulo – Ang iyong hita ay kailangang nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung mababa ka, gumamit ng foot rest o stool kung kinakailangan.
4. Umupo nang diretso – Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng ating likuran.
5. Umupo sa upuan na may sandalan – Ang pag-upo sa malambot na upuan o couch o upuan na walang sandalan ay maaaring makapagpakuba sa iyong likod.
6. Sa opisina i-adjust ang iyong upuan palapit sa iyong mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa iyong upuan o mesa at panatilihing relax ang balikat.
7. Kung uupo sa upuan na may gulong huwag paikutin ang iyong balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang iyong buong katawan.
8. Kung tatayo mula sa pagkakaupo bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.
9. Sa pagtayo, ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang iyong likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundong backbends.