EWAN kung ano nasa utak ng mga kababayan natin kung sila ay makapag-prank o nagbibiro na may bomba ang isang sasakyang pampasahero o kung hindi ang isang gusali lalo na ang mga halls of justice, paaralan o ano mang mataong buildings.
Talagang hindi biro ang bomb threat na kadalasan, hindi naman totoo.
Ito yong buod ng bomb joke law o ang Presidential Decree No. 1727, the Anti-Bomb Joke law, (which declares as unlawful the malicious dissemination of false information or the willful making of any threat concerning bombs, explosives or any similar device or means of destruction and imposing penalties therefore).
Kaya kadalasan sa mga nagbibiro ay naaresto dahil nga nakaka-apekto na ito sa security at maging trauma ng mga kinauukulan.
At ito naman ang explanation kung paano nangyayari ang isang bomb threat:
“A bomb threat can come in almost any form: an unidentified package received at a worksite; a suspicious object left in a public area; a social media post; a text or email message; a handwritten note, memo, or letter; or even written words on a wall. Investigate all bomb threats”.