^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hayaang mag-imbestiga ang International Criminal Court

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hayaang mag-imbestiga ang International Criminal Court

Nag-file si Manila Representative Bienvenido Abante Jr. ng House Resolution No. 1477 na humi­hikayat sa government agencies na makipagtulu­ngan kay International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan sa pag-iimbestiga sa war on drugs ng Duterte administration. Sabi naman ng Department of Justice (DOJ), pag-aaralan itong mabuti dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas. Bumitaw ang Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019.

Nakapagtataka lang na laging sinasabi ng mga nagpatupad ng war on drugs ng Duterte administration na walang nangyaring pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Kung walang paglabag, bakit tutol na magsagawa ng imbestigasyon ang ICC.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. ay tutol din sa pag-iimbestiga ng ICC. Hindi na raw kailangang mag-imbestiga dahil may sarili namang justice system ang bansa, mas mabuti pa ring makipag-cooperate.

Ang pagtutol naman niya sa ICC ay taliwas sa ipi­nahayag niya sa interbyu nang bumisita sa United States noong Mayo 1-5, 2023. Sinabi ni Marcos sa isang interbyu na nagkaroon nang pag-abuso ang Duterte administration sa pagpapatupad ng war on drugs. Sabi ni Marcos sa panayam ng Center for Strategic & International Studies kaugnay sa human rights si­tua­tion­ ng Pilipinas sinabi niya na nagkaroon ng pag-abuso sa pagpapatupad ng war on drugs. Masyado raw uma­nong nag-pokus sa enforcement ang nakaraang admi­nistrasyon. Ito umano ang dahilan kaya umabuso ang mga elemento ng pamahalaan sa pagpapatupad nito na naglagay naman sa sitwasyon na nalabag ang karapatang pantao. Ayon pa kay Marcos, maraming police officials ang nasangkot sa illegal na droga kaya naman hiningi niya ang courtesy resignation ng mga ito.

Sa war on drugs ng Duterte administration na nagsimula noong 2016, umabot sa 6,252 ang namatay. Ang masaklap, ang mga napatay ay napatunayang ino­sente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis sa isinagawang drug operation ay mga ino­senteng kabataan. Kabilang dito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Kung naniniwala ang kasalukuyang administrasyon na nagkaroon ng pag-aabuso ang Duterte administration sa pagpapatupad ng war on drugs, anong dahilan at tutol silang mag-imbestiga ang ICC. Hayaang makapag-imbestiga para mahukay ang katotohanan at maisilbi ang hustisya sa mga napagkamalan at naabuso ang karapatan.

MANILA REPRESENTATIVE BIENVENIDO ABANTE JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with