^

PSN Opinyon

Ang sikreto ni Mayor Abalos!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magtatayo nang malaking hotel ang Novotel sa tabi ng Pasig River sa Mandaluyong City. Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., itong hotel na sa tabi ng ilog ang “the first of its kind” sa Pinas. Futuristic na talaga ang mga negosyo sa ngayon, ani Abalos, dahil naka-pattern ito sa abroad tulad ng Venice, Italy, France, Germany at iba pang European countries. At tulad sa ibang bansa, maaring­ magtayo pa ng ibang negosyo ang hotel management na ferry boat kung saan magbibiyahe ito sa Pasig River patungo sa Cainta at lalong maganda kapag may wine cellar pa ito. Patungo na talaga sa pag-unlad ang Mandaluyong City at hindi nakapagtataka kung tumakbo pa ng isang term si Abalos sa 2025.

Naging “Tiger City” na ang Mandaluyong City sa termino ni dating Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at asawang si Menchie at ipinagpatuloy lang ito ng matandang Abalos. Naglalakihang mga building ang nagsulputan sa siyudad subalit inamin ni Mayor Abalos na malayo na ang agwat nila sa neighboring Pasig City, kung ang IRA (internal revenue allotment) ang pag-uusapan. Tandang-tanda pa ni Abalos na palaging binibiro niya ang counterpart na si Pasig City Mayor Enteng Eusebio na ang hangganan ng civilization ay ang boundary ng Mandaluyong City at Pasig. Matapos noon ay naghalakhakan na sila ni Mayor Enteng. Joke lang kasi ‘yun mga kosa. Subalit sa ngayon, milya-milya na ang layo ng Pasig sa Mandaluyong City in terms ng kita. Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman bawas ang tax na masisingil ng siyudad ay dahil malaking bahagi nito ay mga establisimento ng gob­yerno ay libre sa tax. Tulad ng 47 hectares na National Mental Hospital at ang mahigit 100 ektaryang Asian Development Bank (ADB). Libre sila sa bayarin subalit may gastos ang city ng Mandaluyong dito tulad sa paghakot ng kanilang sangka­tertbang basura. Hindi lang ‘yan? Kapag may aktibidad sa ADB, ang lokal na pulisya ang naka-secure sa “VIPs” nila. Ang masama pa, nagdo-donate din itong ADB sa city government tulad ng mga lumang desks, na panggatong na. Araguyyyyy!

Mula nang namayapa ang asawang si Corazon, mag-isa na lang sa bahay si Mayor Abalos. Inaamin niya na nalulungkot siya tuwing nasa kuwarto dahil hindi siya sanay na mag-isang natutulog. Kaya ang payo niya sa mga nag-courtesy call na opisyales at miyembro ng Metro-Rizal Press Organization (MERPO) mahalin ang mga asawa at ‘wag maghanap ng iba pa. Mismooooo!

Nang tanungin nina kosang Mer Layson ng PSN at Edwin Balasa ng Abante kung ano ang sikreto niya at malakas pa sa kalabaw sa edad na 89, inamin ni Abalos na malaking papel dito ang namayapang asawa. Aniya, nakakatulong din ang limitadong pagkain, dobleng paglakad at tripleng pagtawa. Kaya panay katawa-tawang kuwento ang binitiwan ni Abalos na sinalubong naman ng masaganang tawanan ng Merpo members, kasama si Marvin Capco, ang PIO ng siyudad. Hayan mga kosa, alam n’yo na ang sikreto ng longevity ni Mayor Abalos ha? Abangan!

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with