Isinusulong ngayon sa Kongreso ang House Resolution No. 1477 kung saan, hinihikayat ang gobyerno ng Pinas na makipag “full cooperate” sa International Criminal Court (ICC) Prosecutor sa mga umano’y krimen na nasa jurisdiction ng ahensiya.
Sa madaling salita, papapasukin na ang ICC investigators sa bansa para maimbestigahan na ang mga krimeng naganap daw sa drug war ni dating Pres. Rodrigo Duterte. Pero ang sagot ni Department of Justice Secretary Boying Remulla, kinakailangan muna itong pag-aralang maigi dahil hindi miyembro ang Pilipinas sa ICC.
If I can remember, early this year ay nagsalita na ang pamahalaan natin sa pamamagitan ni Remulla na hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC kung sapilitan itong papasok sa bansa para imbestigahan ang drug war ng dating Presidente.
Pansinin natin ang mga kaganapan ngayon sa Kongreso. May kinalaman ang isyung ito sa kontrobersiya sa pagitan ni VP Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez.
Ang pinag-ugatan: intelligence fund, confidential fund at extraordinary expenses. Mga pondong kung tutuusin ay dapat nilalantad sa taumbayan sa pamamagitan ng liquidation at hindi certification.
Ano na nga ba ang lagay nito Commission on Audit (COA) nang magkaalaman na?
Para sa mga eksperto’t political observers, nag-umpisa na ang mga “pressure moves” o gantihan. Kumbaga, palambutin ang mga Duterte sa larangan ng pulitika.
Lalo ngayon, maingay si dating President Digong. Kung itutuloy daw ang impeachment kay VP Sara, mapipilitan siyang tumakbong Vice President o senador. Napahayag naman ng todo suporta ang buong pamilya Duterte.
Hala sige, pagtulungan n’yo pa ang anak at galitin pa nang husto ang ama. May magkakaalaman.