DAPAT alamin ni President Ferdinand Marcos Jr ang partisipasyon ng mga local government officials sa Philippine offshore gaming operators (POGOs). Tuwing sasalakay ang mga pulis ang palusot ng mga dayuhang sindikato ay kinukulimbatan sila mga ito.
Dapat ding imbestigahan ni Marcos ang mga kontratang nakapaloob sa pagitan ng POGO at mga may-ari ng lote na tinitirikan ng mga gusali. Ang kitang natatanggap ng pamahalaan sa POGO ay katiting lang at wala sa kalingkingan na inasam.
Naghugas kamay na ang mga naghudas sa kaban ng bayan, at nakangiting aso na ang mga ito dahil hindi na sila mahagip ng aserong kamay ni Marcos. Tanong ko kay DILG Sec. Benjur Abalos ang pananatili ba ng mga gusali ng POGO ay naayon sa batas. Lumalabas na 100 percent na pag-aari na ng mga dayuhan ang mga lupain kaya wala nang takot ito sa pamahalaan.
Sa panahon ngayon na ginagawang katayan, kidnapan, torturan, prostitution houses at taguan ng mga criminal ang mga gusali ng POGO, dapat nang umaksyon si Marcos Jr. kung nais niyang maibangon ang magandang reputasyon ng bansa.
Patuloy na tikom at walang say si Marcos Jr. sa mga nangyayaring krimen na kinasasangkutan ng POGOs at nalalagay sa masamang reputasyon ang PNP. Nirereklamo ng mga dayuhan na kinulimbatan sila ng mga pulis na sumalakay sa kanilang tinutuluyang gusali. Kung sabagay, nakakasilaw ang datung at natutukso ang mga alagad ng batas.
Ayon naman kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, gugulong ang kaso sa illegal POGOs at madedeport ang mga ito. Marami nang naipatapon na Chinese sa illegal POGOs.
Maraming krimen na hatid ng POGOs kaya dapat nang tuldukan ito ni Marcos Jr.