^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patuloy na pagdami ng Chinese vessels sa WPS

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Patuloy na pagdami ng Chinese vessels sa WPS

Patuloy ang pagdami ng Chinese maritime militia vessels sa West Philippine Sea (WPS) na sa huling report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nasa 40 hanggang 45. Ayon sa AFP, noong nakaraang buwan ay 10 hanggang 15 lamang nama­mataang barko ng China pero ngayon ay nagmistulang mga pukyutan na sila na nagkukulumpon partikular sa Rozul Reef at Pag-asa Island. Ang Pag-asa ay napakalapit sa Palawan. Ang mga barko ng China ay nakikita umano ng mga residente ng Pag-asa at naghahatid ito ng pangamba sa kanila. Palapit nang palapit umano ang mga sasakyang dagat ng China.

Sabi ni Western Command (WesCom) chief Vice Adm. Alberto Carlos, walang indikasyon na aalis ang mga nagkalipunpon na mga Chinese militia vessels at dumarami pa nga raw ang mga ito. Balak umano nilang maghain ng diplomatic protest sapagkat ang lugar na kinaroroonan ng militia vessels ay teritoryo ng Pilipinas. Nakikipag-ugnayan umano sila sa National Task Force on West Philippine Sea para sa paghahain ng protesta sa China.

Ang senaryong ito ay noon pa ginagawa ng China­. Noong Marso 7, 2021, umabot sa 220 barko ang nagkalipunpon sa Julian Felipe Reef. Nang maghain ng protesta ang Pilipinas, sinabi ng China na nagtatago o sumisilong lamang ang mga barko sa reef. At sabi pa ng China, mga mangingisda­ raw ang laman­ ng mga barko at hindi armado. Nag­kakanlong umano ang mga barko ng mangi­ngisda dahil masama ang lagay ng panahon.

Ang Julian Felipe Reef ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Sabi noon ni retired senior associate justice Antonio Carpio sa pagdagsa ng mga barko ng China, baka angkinin ang reef at tayuan ng artipisyal na isla. Sinabi pa ng dating mahistrado na ganyan din ang ginawa ng China sa Panatag Shoal, Mischief at Subi Reef na hindi na mabawi ng Pilipinas.

Nangyayari na naman ngayon ang ginagawa noon ng China at posibleng dumagsa pa nang dumagsa ang militia vessels. Ang babala ni Carpio ay maaaring mang­yari. Pinakamabuting gawin ng Pilipinas ay bantayan ang Rozul Reef at Pag-Asa Island. Maghain ng protesta. Labag sa soberenya ng Pilipinas ang pagpasok ng mga barko sa sakop ng Pilipinas.

Nasa U.S. ngayon si President Marcos Jr. at makiki­pag-usap umano kay Chinese President Xi Jinping ukol sa sigalot sa WPS. Harinawa na may magandang bunga ang pag-uusap. Sa ngayon, dapat maghanda ang AFP sapagkat patuloy ang pambu-bully ng China. Hindi dapat maagaw ang pag-aari ng Pilipinas.

AFP

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with