Arthritis

Alam ng mga may arthritis na kapag taglamig ay mas masakit ang kanilang kasu-kasuan. Para bang naninigas ang kanilang litid at nahihirapan silang galawin ang kani­lang kamay at paa sa umaga. Osteoarthritis ang tawag sa sakit na ito. Maraming tao ang magkakaroon nito sa pag-edad.

Tips:

1. Magsuot ng guantes at medyas sa gabi para hindi malamigan ang iyong kamay at paa.

2. Magsuot ng jacket kung maginaw sa iyong pupuntahan,

3. Paggising sa umaga, mag-unat-unat muna ng kamay at paa para lumuwag ang mga litid. Pagkaraan ng 30 minutos ay mababawasan na ang paninigas ng iyong kamay at paa.

4. Kung kayo’y mataba, magbawas ng timbang para hindi matagtag ang iyong tuhod at paa.

5. Lagyan ng hot water bag ang parteng masakit. Subukan pa ring i-galaw-galaw ang katawan para hindi tuluyang tumigas ang mga buto.

6. Huwag agad uminom ng pain reliever at baka ma­kasama ito sa katagalan. Magpatingin sa doktor.

Tamang pagkain sa may arthritis

1. Ang madahong gulay at citrus fruits ay mayaman sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumutulong para protektahan ang joints. Ang taong mayroong arthritis ay kinakailangan makakuha ng mas maraming anti­oxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad ng dalandan­, suha, calamansi, lemon at orange. May antioxidant na mata­tagpuan sa madadahong gulay, na nagpapababa rin ng panganib sa arthritis.

2. Ang pinya ay may bromelain, isang protein-digesting enzyme at lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteo­arthritis, katulad ng rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.

3. Ang matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pamamaga.

4. Ang curry, turmeric, luya at ibang spices ay lumalaban sa pamamaga sa arthritis. Ang luya, turmeric at curry ay may sangkap na curcumin, na pumipigil sa enzymes at protina na isinusulong ang pamamaga.

5. Ang green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus fruits ay naglalaman ng quercetin. Ang pag-aaral sa laboratory, ang quercetin ay isang anti-oxidant at anti-inflammatory.

Show comments