‘Walastik’ developments

WALASTIK! Iyan ang kadalasang naibubulalas sa mga pangyayaring makatutulong nang malaki sa mamamayan.

Sa harap nang maraming digmaan sa mundo na ang pina­kahuli ay ang nagaganap sa Israel at Hamas terror group, maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang nanganga­nib. Dito’y kailangan ang boluntaryong pagsaklolo ng airline companies. Ito’y bilang tulong na rin sa pamahalaan upang sagipin ang ating mga kababayang nasa peligro.

Kapuri-puri ang kasunduan ng mga organisasyon ng OFWs sa Cebu Pacific kaugnay nito. Ang airline company ay magsasagawa ng humanitarian flights na walang bayad sa mga panahong pangkagipitan

Bukod diyan, mayroon ding scholarship program sa OFWs o kaanak nila na ibig maging flight attendants. Lu­magda ng Memorandum of Understanding ang dalawang sektor kaugnay nito.

Pasok ang mga kaanak ng OFWs sa internship programs kung may ambisyong maging flight crew at atten­dants. Pinili ang United Filipino Global (UFG) na maging katuwang sa adbokasiya. Ito ay koalisyon ng mga OFW organizations sa buong mundo. Ang presidente ng UFG na si Gemma Sotto ay umaasang magtatagumpay ang part­nership.

Maraming sigalot sa daigdig kaya importante rin ang free humanitarian flights para sa mga nagigipit na OFWs na nangangailangang ilikas sa ligtas na lugar na tiniyak ng kompanya. May information campaign din ang airlines company upang makaiwas ang OFWs laban sa mga mapanlinlang na sindikato.

Matagumpay ding naisagawa ang Narita-Manila flight gamit ang sustainable aviation fuel (SAF). Ani Alexander Lao, President and Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific, “As we await sufficient SAF supply to meet the demand of the entire aviation industry, this inaugural Narita to Manila SAF flight represents Cebu Pacific’s ongoing efforts toward making air travel more sustainable.”

Show comments