TOTOHANAN lang ha? Eto nangyari talaga sa ating political history—tungkol sa mga naging House Speaker na nangarap maging Presidente ng bansa ngunit hindi pinalad. Ibig sabihin mahihirapan ang isang House Speaker na mahalal na Presidente.
Ang yumaong si dating Palawan Rep. Ramon Mitra ay naging House Speaker simula 1987 hanggang 1992. Tumakbo siya sa pagka-presidente ngunit tinalo ni dating Defense Minister Fidel Ramos.
Noong 1991 naging presidente ng LDP party si Mitra at siya na rin ang napiling kandidato ng LDP sa pagka-presidente para sa 1992 elections.
Ngunit hindi pinalad si Mitra dahil nanalo ang katunggali niyang si Ramos na namuno nang kabuo-buo lang na Lakas-Tao party.
Sumubok din si Jose de Venecia Jr. na tumakbong Presidente noong 1998. Si De Venecia ay naging House Speaker sa limang sunud-sunod na pagkakataon na malaking history sa Congress.
Ngunit gaya ni Mitra, hindi rin sa pinalad si De Venecia kahit na malakas ang backing at maraming resources sapagkat tinalo siya ni dating Senator Joseph Estrada.
At noong 2010, si dating Senate President at House Speaker Manny Villar ay tumakbo rin pagka-presidente at si Sen. Loren Legarda ang kanyang running mate sa ilalim ng Nacionalista Party.
Naging Speaker ng House of Representatives si Villar noong 1998. As speaker, Villar presided over the impeachment of President Joseph Estrada over corruption allegations in November 2000.
Kaya eto ang sinasabi ko na talagang malaking trabaho para sa nangarap maging Presidente kahit pa nga isang House Speaker. Si Mitra, De Venecia at Villar ay mga halimbawa sa mga nagtangkang maging Presidente na hindi pinalad kahit na ganun kabigat ang back-up at suporta.
Ang pagiging House Speaker ay hindi garantiya na tiyak na mananalo kung kakandidato sa pagka-presidente.