Barangay election lang yan pero bigayan ng pera, talamak

BUKAS na ang Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngunit meron nang mga bali-balitang talamak ang bigayan ng pera na ayon sa mga sources ko eh pati ba naman sa barangay level talamak ang bigayan ng pera.

Bakit hindi makita ng mga kandidatong eto na karamihan sa mga taong nagsasabing sila’y mga supporter nila eh sa karibal na kandidato sila.

May bali-balitang ang isang kandidato pagka-barangay kapitan ay nagbibigay ng P500 bawa’t botante lalo na yong mga senior citizens.

At dinadala pa nga ang mga nasabing senior citizens sa isang mamahaling hotel upang magmeryenda ng cake, sandwhich at bihon. Dinala rin ata sila by batch sa mga environmental parks dito. May libre pang hair cut, brazilian wax at foot spa. Dami ngang freebies. 

Ngunit ano ang kapalit nito? Lalo na pag-manalo eh nakakatakot yon. 

Ano ang kapalit? ‘Yon lang. 

Show comments