Gobyerno hindi seryoso laban sa e-sabong
KUNG pursigido ang gobyernong BBM kontra electronic sabong, nagawa na sana nitong mahiling sa Regional Trial Court ng Urdaneta City, Pangasinan ang warrant of arrest laban sa 23 akusado sa e-sabong operation ng Global Talpakeros-Online Sabong.
Ilang linggo nang hinihingi ng Office of the Provincial Prosecutor ng Pangasinan mula sa RTC Urdaneta City ang arrest warrant laban kina Rizalina at Simplicio Castro at anak na si Jewel Castro, at 20 pang mga kasamahan na una nang hinuli ng CIDG sa raid noong Agosto sa sabungan sa Bgy. Baligi, Laoac, Pangasinan.
Ngunit bigo pa ring mapasakamay ng CIDG ang arrest warrant upang maisakdal na sina Castro at mga alipores nito.
Dahil ba bilyonaryo sila kaya ganun katagal ang paglabas ng warrant of arrest?
Hindi dumalo ang mga akusado sa arraignment noong Oktubre 5. Nangangahulugan na hindi kinikilala ng mga ito ang RTC Urdaneta City.
Ang raid sa Global Talpakeros-Online Sabong ay tinaguriang pinakamalaking raid ng pamahalaan kontra sa e-sabong sa Luzon. Maging seryoso sana ang gobyerno sa pagsawata ng e-sabong sa Luzon at iba pang pook sa bansa sa pamamagitan nang pagkasakdal sa mga operator at alipores nito.
* * *
Para sa suhestiyon: [email protected]
- Latest