^

PSN Opinyon

Menstrual cramps

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikaw ay babae malamang na makararanas ka ng menstrual cramps o pananakit ng puson. Sa medikal na tawag ay dysmenorrhea.

Ang nakababagot, nakagagambala at sobrang pananakit ng puson ay nabubuo sa ibabang bahagi ng tiyan at gayundin sa likod at hita. Ang iba naman ay nakararanas pa ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagpapawis at pagkahilo.

Marami sa kababaihan ay nakararanas ng menstrual cramps bago dumating o habang mayroong regla.

Ayon sa mga eksperto, ang pananakit ay dahil sa paghilab ng matris na nagpapahiwatig na ang daluyan ng dugo ay naiipit. May kondisyon din tulad ng endometriosis at uterine fibroids na nagdudulot ng sakit sa puson.

Ang menstrual cramps ay nababawasan habang nagkakaedad at nawawala pagkatapos manganak.

Tips para makaramdam ng ginhawa at maiwasan ang menstrual cramps:

1. Lagyan ng hot compress – Subukang magbabad sa bath tub ng may maligamgam na tubig o mag-apply ng hot compress o mainit na tuwalya sa iyong ibabang bahagi ng tiyan.

2. Mag-ehersisyo – Nakatutulong ito na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

3. Pain relievers na panandalian lang – Pwede ang paracetamol, ibuprofen o naproxen kapag nagsimula na makaramdam ng cramps. Kung hindi naman ganoon kasakit, ay huwag na lang uminom ng pain relievers.

4. Dietary supplement – Ayon sa ilang pag-aaral na ang Vitamin E, thiamin, at omega-3 supplement ay maaaring makatulong na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

5. Kumunsulta sa doktor kung ang menstrual cramps ay sobrang sakit, may kasamang lagnat, hindi nawawala, at nakagagambala sa iyo. Kumunsulta rin kung naduduwal, nagsusuka, o may kakaibang discharge o amoy sa puwerta.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with