^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kawawang kalagayan ng Philippine Coast Guard

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kawawang kalagayan ng Philippine Coast Guard

Nakaumang sa panganib ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sila ang nagbabantay sa mga baybaying dagat ng bansa. Malaki ang kanilang res­ponsibilidad kapag may namataang mga dayuhang barko na illegal na pumasok sa teritoryo ng bansa. Kung masama ang tangka ng mga dayuhang barko, sila ang unang nasa hanay ng depensa at posibleng may masamang mangyari sa kanila. Kaya masasabi na ang kalahati ng katawan ng mga miyembro g PCG ay nasa hukay.

Ang magandang halimbawa nito ay ang maraming beses nang ginagawang panggigipit ng China Coast Guard (CCG) kapag nagpapatrulya sa West Philippine Sea at inieskortan ang supply mission vessel patungo sa Ayungin Shoal. Maraming beses nang nakaranas bombahin ng tubig ang kanilang barko, i-laser gun ang mga PCG members at muntik-muntikanang bang­­gain ng CCG habang nagmamaniobra. Maraming beses na silang tinugis ng mga barko ng CCG at pinagkalipunpunan at kung anu-ano pang panggigipit.

Pero sa kabila ng mga masasamang ginagawa sa kanila ng CCG, patuloy pa rin ang PCG sa kanilang sinum­paang tungkulin na bantayan ang baybaying dagat ng bansa, kasama na ang West Philippine Sea (WPS).

Noong nakaraang Biyernes, nakaranas na naman ng panggigipit ang PCG makaraang tangkaing hara­ngin habang nagsasagawa ng resupply mission. Na­­lampasan naman ang pagharang ng CCG at ilan pang Chinese vessels at naihatid din ang supply sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Ang pangyayaring iyon ay lalong nagdaragdag sa pagkaawang nararamdaman sa PCG dahil sa kakula­ngan nila ng mga kagamitan para sa pagbabantay sa WPS at iba pang baybaying dagat. Kulang na kulang sila sa patrol boat kaya kaawa-awa ang kanilang kala­gayan kapag nakikipagpatintero sa mga barko ng CCG.

Bukod sa patrol boat, kailangan din nila ng patrol aircraft. Ayon sa PCG, mayroon silang isang 12-seater fixed wing at isang rotary aircraft. Hindi sinabi ng PCG kung gaano na kaluma ang kanilang dalawang pampatrulyang eroplano. Napakahalaga raw na mayroong aircraft ang PCG upang mabantayan ang mga teritoryo.

Noong Martes nangako si President Marcos Jr. ng 40 bagong patrol boats at dalawang patrol aircraft sa PCG sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo nito. Sana maideliber sa madaling panahon ang mga ito para hindi naman kaawa-awa ang PCG. Sa PCG rin ilipat ang intelligence fund na para sa Office of the Vice President, DepEd at iba pang ahensiya na hindi naman kailangan. Mas kailangan ng PCG ang intel fund.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with