^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag sa listahan ng ‘pataynity’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dagdag sa listahan ng ‘pataynity’

May napatay na naman dahil sa hazing ng fraternity. Noong nakaraang Pebrero 2023 lang may napatay sa hazing at ito na naman panibagong biktima na naman. May nadagdag na naman sa listahan ng mga napatay sa hazing.

Nakilala ang biktima ng hazing na si Aldryn Leary Bravante, 25, fourth year student ng Philippine College of Criminology (PCCr) sa Maynila at miyembro ng Tau Gamma Phi. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang hazing sa isang abandonadong gusali sa Bgy. Sto. Domingo, Quezon City noong Lunes, alas diyes ng gabi.

Ayon sa QCPD, nahirapang huminga si Aldryn habang isinasagawa ang initiation at nawalan ng malay. Isinugod ito sa ospital subalit patay na. Nagtamo ng mga bugbog sa hita at binti at paso ng sigarilyo si Bravante. Ayon sa pulisya, 60 palo ng paddle ang tinamo ng biktima. Apat na suspect na ang naaresto at walo pa ang hinahanap.

May batas laban sa hazing (Republic Act 11053-Anti-Hazing Law), pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagpapahirap sa mga bagong recruit. Wala nang kinasisindakan ang mga miyembro. Nagmistula na silang berdugo na nagtulung-tulong sa pagpalo sa kanilang ka-brod hanggang mamatay.

Si Bravante ang ikalawang estudyante ngayong taon na ito na namatay sa hazing ng Tau Gamma Phi. Una ay si John Matthew Salilig, 18, engineering student ng Adamson University noong Pebrero 18. Namatay si Salilig dahil sa 70 palo sa katawan. Ang pinakamasakit, inilibing siya ng mga ka-frat sa isang madamong lugar sa Imus, Cavite. Anim na miyembro ng Tau Gamma Phi ang inaresto.

Noong Marso 2022, namatay din sa hazing ang 18-anyos na si Reymart Madraso, estudyante, taga-Kalayaan, Laguna. Mga miyembro ng Tau Gamma Phi ang nasa likod ng hazing. Naganap ang hazing sa isang lugar sa Kalayaan. Laguna.

Noong Pebrero 2021, namatay din ang 23-anyos na Criminology student na si Omer Despabiladera ng Solis Institue of Technology sa Bulan, Sorsogon. Namatay si Despabiladera dahil sa matinding pahirap ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi. Ayon sa pulisya, mahigit 20 miyembro ng Tau Gamma Phi ang sangkot sa pagpatay kay Despabiladera.

Noong Setyembre 2017, namatay ang UST law student na si Horacio ‘‘Atio” Castillo sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity. Siyam na miyembro ng fraternity ang kasalukuyang nakakulong dahil sa pagpatay kay Castillo.

Ang nangyari sa Criminology student na si Bravante ay mauulit hangga’t hindi ipinagbabawal sa eskuwelahan ang mga fraternity. Bigatan din ang parusa sa mga masasangkot sa hazing na ikinamatay ng miyembro.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with